YouVersion Logo
Search Icon

Plan Info

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Sample

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

DAY 12 OF 30

Ang Dios ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos: tutulungan siya ng Dios na maaga. Psalm 46:5 (Ang Dating Biblia (1905)) Paano natin hinaharap yung mga bagay na sa tingin natin ay gumuguho na? Nabubuhay tayo ngayon na walang katiyakan pero meron iisang bagay na sigurado at tiyak – ang Salita ng Diyos. Kamakailan na-diagnose ang isa sa mga matalik kong kaibigan ng isang bihirang klase ng cancer. Isa siyang ibang klaseng Kristyano at nasaksihan ng sarili kong mga mata ang kapangyarihan ng mga pangako ng Panginoon sa kanyang buhay. Walang kahit na anuman ang pwedeng magpahanda sa'yo sa isang mahirap na sitwasyon; ang karimlan ay bigla ka na lang papalibutan. Kung ano man yan – malalang sakit, pagkawasak ng relasyon, mawalan ng trabaho, o kahit ano, laging tatandaan na may plano ang Panginoon sa'yo. Alam na Niya ang iyong pangangailangan, ang iyong mga takot, o di kaya ang pagkukulang mo sa pananampalataya. Tiwala lang kay Lord na gumawa ng langit at ang mundo na nangako sa'yo na anjan Siya para sa'yo. Titila rin ang bagyo, bababa din ang araw – at matatapos din ito – at alam mong matatapos din ito – ikaw ay magagalak! Ang Kanyang mga pangako at Salita ay matatag at tiyak. Tumayo ka at hindi patinag kabila ng kaguluhan sa lahat ng dako. by @honeybopsdesigns

Scripture

About this Plan

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa p...

More

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy