YouVersion Logo
Search Icon

Plan Info

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Sample

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

DAY 4 OF 30

Pagmasdan mo ang pagmamahal ni Hesus. Ang Kanyang pagmamahal ay hindi maingat kundi labis-labis. Pagmamahal na walang hinihinging kapalit kundi ang pagbigay Niya ng Kanyang sarili ng buong-buo sa atin. Sa Ephesians 5:1-2 hindi maitagong kasaya-saya ito. Bakit hindi? Itong pagmamahal na ito ay real deal at malayong-malayo sa romantic love ng Hollywood na sanay tayo. Ang pagmamahal na ito ay tungkol sa pagbibigay at hindi pag-angkin. Pagmamahal na maaalalahanin sa iba at hindi para sa pansariling interes. Pagmamahal na walang pag-aalinlangan. At ang pinakamahalaga – pagmamahal na hindi mapipigilan! Ang ganitong pagmamahal ay kelangan ng buong mundo. Desperado ang buong lipunan para dito. Bukod sa napakagandang verse na ito dahil sa kilig na nadarama mo – na alam mong ang Diyos ng buong kalawakan ay mahal na mahal ka – ito ay nagsisilbing paalala kung pa'no natin tratuhin ang isa't-isa. Hindi dapat, “ako, ako, ako.” Ang pakay naman ni Jesus ay para sa ibang tao. At nararapat lamang na maging ganun tayo. Hindi lamang sa mga taong malapit at mahal natin dahil madaling naman kasi silang mahalin. Dapat mahalin natin yung mga taong sa tingin natin ay hindi karapatdapat na mahalin o sa mga taong kinamumuhian natin. Sa Ephesians 5 sinasabing, “Kayo nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal; At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.” Ngayong araw na 'toh, hinahamon kita na basahin ang verse na ito, alamin kung gaano ka minamahal ni Lord, at ibahagi ito sa iba. Ipakita mo sa iba kung gaano din sila dapat mahalin. Matthew 5:16 (Ang Dating Biblia 1905) “Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.” Ibahagi at ipalaganap mo ang mainit na pagmamahal. Ibigay mo sa iba ang labis-labis at nagsusumiksik na pagmamahal ng Panginoon. Ang buhay ay masyadong maikli para sa kalahating-puso, makamundo, at maingat na pag-ibig. Ipalaganap ang labis pagmamahal! by @versefirst

About this Plan

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa p...

More

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy