YouVersion Logo
Search Icon

Plan Info

Ang Priority ng PamilyaSample

Ang Priority ng Pamilya

DAY 2 OF 4

MATUTO MULA SA LANGGAM Panoorin ang mga langgam kapag nakakita sila ng isang bakol ng pagkain. Ang mga langgam na nakahanap ng pagkain ay hindi kaagad-agad kakain lahat ng pagkain. Sa halip ay tatawagin nila ang kanilang mga kaibigan upang sama-samang ilipat ang pagkain sa pinakaligtas na lugar. Kahit na ang mga langgam ay maliliit na hayop, maaari silang gumawa ng mahusay na trabaho dahil may mahusay na pagtutulungan. Ang katotohanan ng Salita ng Diyos ngayon ay nagtuturo sa atin ng pangangailangan na gumawa ng may pagkakaisa. Kailangan ng isang pangkat ang magkaroon ng kakayahang magtulungan upang magawa ang trabaho at makamit ang layunin. Upang maisagawa ang kani-kanilang mga tungkulin sa koponan, dapat lagi tayong magpakumbaba, banayad, at matiyaga. Dapat din tayong magpakita ng pagmamahal upang tulungan ang bawat isa. Makikita ang kababaang-loob kapag ang isang tao sa pangkat ay nagbibigay ng unang pwesto kay Kristo, ang pangalawang pwesto sa ibang tao, at ang huling pwesto sa kanyang sarili. Ang kahinahunan ang sanhi kung bakit ang isang tao ay kontrolado ng Diyos sa paraang palagi niyang mapipigilan nang maayos ang kanyang sarili alinsunod sa pamumuno ng Banal na Espiritu. Ang bawat miyembro ay dapat maging matiyaga sa pakikitungo sa lahat, kung ito man ay sa mga taong madaling pakitunguhan at maging sa mga mahirap. Ang bawat isa sa kanila ay kailangang dagdagan ang katatagan ng sarili. Sa pamamagitan nito, ang pag-uugali ng pagpapakita ng pagmamahal habang tumutulong sa bawat isa ay hindi mahirap gawin. Tulad ng katungkulan ng bawat langgam sa pagtutulungan sa isa't-isa, ganoon din sa bawat tao sa isang koponan. Maraming magagandang bagay na magagawa natin kung nais nating makatulong sa kapuwa, maging sa pamilya, sa kongregasyon, o sa isang samahan. Debosyonal ngayon 1\. Ano ang maaaring maging hadlang upang tayo ay makatulong sa bawat isa? 2\. Ano ang mga tungkulin na maaari nating gampanan sa pagbuo ng isang pangkat ng pamilya, isang pangkat ng simbahan, o sa isang umiiral na samahan? Aksyon Ngayon Mag-isip at gumawa ng isang bagay na maaaring bumuo ng pagtutulungan sa pamilya, simbahan, at samahan.
Day 1Day 3

About this Plan

Ang Priority ng Pamilya

Ano ang mga prioridad sa ating buhay? Ito ba ay pamilya, trabaho, o iba pa? Ang gabay na ito ay makakatulong sa atin na magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa mga priyoridad sa pamilya na dapat nating unahin.

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy