YouVersion Logo
Search Icon

Plan Info

Mahalaga ang Pamilya Muna Sample

Mahalaga ang Pamilya Muna

DAY 6 OF 7

FITNESS O KAANGKUPAN NG PANGANGATAWAN Bakit kailangan nating maging malusog? Dahil ayon sa 1 COR6.19-20 at JN 1.2 ng Biblia, ninanais ng Diyos na tayo ay nasa mabuting kalusugan. At naglagay din siya ng mga kondisyon sa Biblia kung nais nating maging ligtas sa mga sakit (EXO 15:26). Ang pagpapanatili ng mahusay na kalusugang pisikal ay isang tungkulin bilang katiwala na kasama sa pagtawag sa atin. Obligasyon natin ito sa ating Manlilikha tulad ng katiyakan ng ating mga tungkuling espiritwal sa Kanya. Maaari nating ipalagay na hindi gaanong importante ang mga responsibilidad na pampisikal pero hindi nangangahulugan na walang halaga ito. Ang mabuting kalusugan ay lubhang mahalaga. Ito ay direktang nakatali sa paglago, pananaig at paglilinis ng sarili, pag-iwas sa mga bitag ng buhay, pagkaranas ng masaganang buhay at pati na rin sa ating mga saksi sa mundo sa pagpaparangal sa Diyos. Kailangan ang mabuting kalusugan para magawa natin ang ating araw-araw na gawain. Ang mabuting kalusugan ay hindi lamang tungkol sa pisikal na kalusugan, tungkol din ito sa malusog na pagiisip. Ang mahusay na kalusugang pangkaisipan ay nagbibigay ng pakiramdam ng kagalingan at ng lakas ng kaloobang kailangan sa mga panahon ng problema at pagkaligalig. Ang mabuting kalusugan ay nangangailangan ng pagpupunyagi at kombinasyon ng tamang pagkain at ehersisyo. Higit nating mapaglilingkuran ang Diyos, kung tayo ay malusog, makakaya nating makipaglaro sa ating mga anak at makibahagi sa marami pang bonding moments kasama nila. Kung tayo ay malusog, alerto at mas malinaw ang ating pagiisip. Gusto ng Diyos na mahusay ang ating kalusugan para sa atin at para sa mga taong mahal natin.
Day 5Day 7

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy