1
Pahayag 3:20
Magandang Balita Bible (Revised)
RTPV05
Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.
ប្រៀបធៀប
រុករក Pahayag 3:20
2
Pahayag 3:15-16
Nalalaman ko ang mga ginawa mo. Alam kong hindi ka malamig ni mainit man! Higit na mabuti kung ikaw ay malamig o mainit. Ngunit dahil sa ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni malamig, isusuka kita!
រុករក Pahayag 3:15-16
3
Pahayag 3:19
Sinasaway ko't pinapalo ang lahat ng aking minamahal. Kaya't maging masigasig ka! Pagsisihan mo't talikuran ang iyong mga kasalanan.
រុករក Pahayag 3:19
4
Pahayag 3:8
Nalalaman ko ang mga ginagawa mo. Alam kong mahina ka ngunit sinusunod mo ang aking salita, at naging tapat ka sa akin. Kaya't binuksan ko para sa iyo ang isang pinto na hindi maisasara ninuman.
រុករក Pahayag 3:8
5
Pahayag 3:21
Ang magtatagumpay ay uupong katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama sa kanyang trono.
រុករក Pahayag 3:21
6
Pahayag 3:17
Sinasabi mo, ‘Ako'y mayaman, sagana sa lahat ng bagay at wala nang kailangan pa,’ ngunit hindi mo nalalamang ikaw ay kawawa, kahabag-habag, mahirap, bulag at hubad.
រុករក Pahayag 3:17
7
Pahayag 3:10
Sapagkat nagtiyaga ka gaya ng iniuutos ko sa iyo, iingatan naman kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao sa buong daigdig!
រុករក Pahayag 3:10
8
Pahayag 3:11
Darating ako sa lalong madaling panahon. Kaya't ingatan mo ang mga tagubilin ko sa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong gantimpala.
រុករក Pahayag 3:11
9
Pahayag 3:2
Kaya't gumising ka! Pag-alabin mo ang mga katangiang nalalabi pa sa iyong buhay upang hindi ito tuluyang mamatay. Nakikita kong hindi pa ganap ang mga nagawa mo sa paningin ng aking Diyos.
រុករក Pahayag 3:2
គេហ៍
ព្រះគម្ពីរ
គម្រោងអាន
វីដេអូ