1
Pahayag 22:13
Magandang Balita Bible (Revised)
RTPV05
Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas.”
ប្រៀបធៀប
រុករក Pahayag 22:13
2
Pahayag 22:12
At sinabi ni Jesus, “Makinig kayo! Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa!
រុករក Pahayag 22:12
3
Pahayag 22:17
Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal, “Halikayo!” Lahat ng nakakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito'y walang bayad.
រុករក Pahayag 22:17
4
Pahayag 22:14
Mapapalad ang naglilinis ng kanilang kasuotan sapagkat bibigyan sila ng karapatang pumasok sa lunsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay.
រុករក Pahayag 22:14
5
Pahayag 22:7
At sinabi ni Jesus, “Makinig kayo! Darating na ako! Mapalad ang tumutupad sa mga propesiya na nilalaman ng aklat na ito!”
រុករក Pahayag 22:7
6
Pahayag 22:5
Doo'y wala nang gabi, kaya't hindi na sila mangangailangan pa ng mga ilaw o ng liwanag ng araw, sapagkat ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw nila, at maghahari sila magpakailanman.
រុករក Pahayag 22:5
7
Pahayag 22:20-21
Sinasabi ng nagpapatotoo sa lahat ng ito, “Tiyak na nga! Darating na ako!” Sana'y dumating ka na, Panginoong Jesus! Nawa'y makamtan ng lahat ang pagpapala ng Panginoong Jesus. Amen.
រុករក Pahayag 22:20-21
8
Pahayag 22:18-19
Akong si Juan ay nagbibigay ng babala sa sinumang makarinig sa mga propesiya na nasa aklat na ito; ang sinumang magdaragdag sa nilalaman ng aklat na ito ay daragdagan ng Diyos ng parusa; idaragdag sa kanya ang mga salot na nakasulat dito. Ang sinumang mag-alis ng anuman sa mga propesiyang naririto ay aalisan naman ng Diyos ng karapatan sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay at sa Banal na Lunsod na binabanggit dito.
រុករក Pahayag 22:18-19
គេហ៍
ព្រះគម្ពីរ
គម្រោងអាន
វីដេអូ