Salmo 99
99
Salmo 99
1Naghahari ang Panginoon
at nakaupo sa gitna ng mga kerubin.
Kaya ang mga taoʼy nanginginig sa takot
at ang mundoʼy nayayanig.
2Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion,#99:2 Zion: O Jerusalem.
dinadakila siya sa lahat ng bansa.
3Magpupuri ang mga tao sa kanya
dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang.
Siya ay banal!
4Siyaʼy Haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan.
Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan.
Ang ginagawa niya sa Israel#99:4 Israel: Sa Hebreo, Jacob.
ay matuwid at makatarungan.
5Purihin ang Panginoon na ating Diyos.
Sambahin siya sa kanyang trono.#99:5 trono: Sa literal, tuntungan ng paa.
Siya ay banal!
6Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari,
at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya.
Tumawag sila sa Panginoon
at tinugon niya sila.
7Nakipag-usap siya sa kanila
mula sa ulap na parang haligi;
sinunod nila ang mga katuruan
at tuntunin na kanyang ibinigay.
8 Panginoon naming Diyos,
sinagot nʼyo ang dalangin ng inyong mga mamamayan.#99:8 ng inyong mga mamamayan: Sa Hebreo, nila; Maaari ding sina Moises, Aaron at Samuel ang tinutukoy gaya ng nakasulat sa talata 6|PSA 99:6.
Ipinakita nʼyo sa kanila na kayo ay Diyos na mapagpatawad
kahit na pinarusahan nʼyo sila sa kanilang mga kasalanan.
9Purihin ang Panginoon na ating Diyos.
Sambahin siya sa kanyang banal na Bundok,
dahil ang Panginoon na ating Diyos ay banal.
اکنون انتخاب شده:
Salmo 99: ASD
هایلایت
به اشتراک گذاشتن
مقایسه
کپی
می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.