Salmo 96
96
Salmo 96
(1~Cro. 16:23‑33)
1Kayong mga tao sa buong mundo,
umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon!
2Awitan ninyo ang Panginoon
at purihin ang kanyang pangalan.
Ipahayag ninyo sa bawat araw
ang tungkol sa pagligtas niya sa atin.
3Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan
sa mga bansa
ang kanyang kapangyarihan
at mga kahanga-hangang gawa.
4Dahil dakila ang Panginoon,
at karapat-dapat papurihan.
Dapat siyang katakutan nang higit pa
kaysa anumang mga diyos.
5Sapagkat ang lahat ng diyos ng ibang mga bansa
ay pawang diyos-diyosan lamang.
Ngunit ang Panginoon, siya ang lumikha ng langit.
6Nasa kanya ang kapangyarihan
at karangalan;
at nasa Templo niya ang kalakasan
at kagandahan.
7Purihin ninyo ang Panginoon,
kayong lahat ng tao sa mundo.
Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.
8Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring
nararapat sa kanya.
Magdala kayo ng mga handog
at pumunta sa Templo.
9Sambahin ninyo ang kabanalan ng Panginoon.
Matakot kayo sa kanya,
kayong lahat ng nasa sanlibutan.
10Sabihin ninyo sa mga bansa,
“Naghahari ang Panginoon!”
Matatag ang daigdig na kanyang nilikha
at hindi ito matitinag.
Hahatulan niya ang mga tao
nang walang kinikilingan.
11-12Magalak ang kalangitan at mundo,
pati ang mga karagatan, bukirin
at ang lahat ng nasa kanila.
Lahat ng mga puno sa gubat
ay umawit sa tuwa
13sa presensya ng Panginoon.
Dahil tiyak na darating siya upang hatulan
ang mga tao sa mundo
batay sa kanyang katuwiran at katotohanan.
اکنون انتخاب شده:
Salmo 96: ASD
هایلایت
به اشتراک گذاشتن
مقایسه
کپی
می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.