Salmo 94
94
Salmo 94
1 Panginoon, kayo ang Diyos na naghihiganti.
Ipakita nʼyo na ang inyong katarungan.
2Kayo ang humahatol sa lahat ng tao,
kumilos na po kayo Panginoon,
gantihan nʼyo na nang nararapat ang mayayabang.
3Hanggang kailan magdiriwang ang masasama,
Panginoon?
4Silang lahat na gumagawa ng masama
ay ubod ng yabang.
5Inaapi nila ang inyong mga mamamayan, Panginoon
sinasaktan nila ang inyong mga hinirang.
6Pinapatay nila ang mga biyuda
at mga dayuhan,#94:6 mga dayuhan: Ang ibig sabihin, ang mga nakatira sa Israel na dayuhan.
pati na ang mga ulila.
7Sinasabi nila, “Hindi makikita ng Panginoon ang ginagawa namin;
hindi ito mapapansin ng Diyos ni Jacob.”
8Kayong mga hangal at mahihina ang utak,
kailan ba kayo makakaunawa?
Unawain ninyo ito:
9Ang Diyos na gumawa ng ating mga tainga at mata,
hindi ba nakakarinig o nakakakita?
10Akala nʼyo baʼy hindi ni magpaparusa ang Diyos
na siyang dumidisiplina sa mga bansa?
Akala nʼyo baʼy kulang siya sa kaalaman?
11Alam ng Panginoon na ang iniisip ng mga tao
ay walang kabuluhan.
12O Panginoon, pinagpala ang taong
pinangangaralan nʼyo
sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanya
ng inyong mga kautusan.
13Tinuturuan nʼyo siya
upang magkaroon siya ng kapayapaan
sa oras ng kaguluhan hanggang sa oras
na ang masasamá ay inyong parusahan.
14Dahil hindi nʼyo itatakwil, Panginoon,
ang mamamayang pag-aari ninyo.
15Darating ang araw na ang paghatol
ay muling magiging makatarungan
at itoʼy susundin ng lahat ng namumuhay
nang matuwid.
16Walang tumutulong sa akin
laban sa mga taong gumagawa ng kasamaan
kundi kayo lang, Panginoon.
17Kung hindi nʼyo ako tinulungan Panginoon,
maaaring patay na ako ngayon.
18Nang sabihin kong parang
mamamatay na ako,
ang inyong pag-ibig at awa, Panginoon,
ang tumulong sa akin.
19Kapag gulong-gulo ang isip ko,
inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.
20Hindi kayo maaaring pumanig sa masasamang hukom#94:20 hukom: O pinuno.
na gumagawa ng kasamaan
sa pamamagitan ng#94:20 sa pamamagitan ng: O laban sa. kautusan.
21Sama-sama silang kumakalaban sa matutuwid
at hinahatulan nila ng kamatayan ang walang kasalanan.
22Ngunit kayo, Panginoon na aking Diyos
ay aking tagapagtanggol
at batong kanlungan.
23Parurusahan nʼyo sila
dahil sa kanilang mga kasalanan.
Tiyak na lilipulin nʼyo sila,
O Panginoon naming Diyos.
اکنون انتخاب شده:
Salmo 94: ASD
هایلایت
به اشتراک گذاشتن
مقایسه
کپی
می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.