Salmo 67

67
Salmo 67
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang awit na ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.
1O Diyos, kaawaan nʼyo kami at pagpalain.
Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan,
2upang malaman ng lahat ng bansa
ang inyong mga pamamaraan
at pagliligtas.
3Purihin ka nawa ng lahat ng tao, O Diyos.
4Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo,
dahil sa makatarungan nʼyong paghatol
at pagpatnubay sa lahat ng bansa.
5O Diyos, purihin sana kayo ng lahat ng bansa.
6-7Umani nawa ng sagana ang mga lupain.
Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Diyos, na aming Diyos.
Magkaroon sana ng takot sa inyo
ang lahat ng tao sa buong mundo.

اکنون انتخاب شده:

Salmo 67: ASD

های‌لایت

به اشتراک گذاشتن

مقایسه

کپی

None

می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید