Salmo 58

58
Salmo 58
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na inaawit sa tono ng awiting, “Huwag Sirain”.
1Kayong mga pinuno, matuwid ba
ang paghatol ninyo sa mga tao?
2Hindi! Dahil paggawa ng masama
ang laging iniisip ninyo
at namiminsala kayo sa iba
saanman kayo naroroon.
3Ang masasama ay lumalayo sa Diyos
at mula nang isilang ay nagsisinungaling na.
4Para silang mga ahas na makamandag.
Parang kobrang tinakpan ang tainga,
5hindi nakikinig sa tinig ng mahuhusay
na tagapagpaamo niya.
6O Panginoong Diyos, basagin nʼyo po ang kanilang mga ngipin
na parang pangil ng mga leon!
7Mawala sana silang tulad ng tubig na natutuyo
at gawin mo ring walang silbi
ang kanilang mga palaso.
8Maging tulad sana sila ng kuhol
na parang natutunaw habang gumagapang,
o ng sanggol na patay nang ipinanganak,
na hindi pa nakakita ng liwanag.
9Mabilis silang tatangayin ng Diyos,
maging ang mga nabubuhay pa,
mabilis pa sa pag-init ng palayok na inaapuyan ng malakas.
10Magagalak ang mga matuwid
kapag nakita na nilang pinaghigantihan
ng Diyos ang masasama,
at dumanak na ang kanilang dugo.#58:10 at dumanak na ang kanilang dugo: Sa literal, hinugasan niya ang kanyang paa sa dugo ng masama.
11At sasabihin ng mga tao, “Tunay ngang
may gantimpala ang matutuwid
at mayroong Diyos na humahatol sa mundo.”

اکنون انتخاب شده:

Salmo 58: ASD

های‌لایت

به اشتراک گذاشتن

مقایسه

کپی

None

می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید