Salmo 32
32
Salmo 32
Awit na isinulat ni David. Isa itong maskil.#32:0 Pamagat. maskil: Maaaring tumutukoy ito sa isang uri ng awit o tono ng awit.
1Mapalad ang isang tao
na ang mga pagsuway
at mga kasalanan ay pinatawad
at kinalimutan na ng Panginoon.
2Mapalad ang tao na ang kasalanan
ay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon,
at walang pandaraya sa kanyang puso.
3Noong hindi ko pa ipinagtatapat
ang aking mga kasalanan,
buong araw akoʼy nanlulumo
at nanghihina ang aking katawan.
4Araw-gabi, hirap na hirap ako
dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin.#32:4 hirap na hirap ako dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin: Sa Hebreo, mabigat ang kamay mo sa akin.
Nawalan na ako ng lakas,
tulad ng natuyong tubig
sa panahon ng tag-araw.
5Ngunit sa wakas ay ipinagtapat ko
ang aking mga kasalanan sa inyo;
hindi ko na ito itinago pa.
Sinabi ko nga sa sarili ko,
“Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon.”
At pinatawad nʼyo ako.
6Kaya ang lahat ng matapat
ay manalangin sana sa inyo,
habang may panahon pa.
Kung dumating man ang kapighatian
na parang baha,
hindi sila mapapahamak.
7Kayo ang aking kublihan;
iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan,
at pinalilibutan nʼyo ako
ng mga awit ng kaligtasan.
8Sinabi ng Panginoon sa akin,
“Ituturo ko sa iyo ang daan
na dapat mong lakaran.
Papayuhan kita habang binabantayan.
9Huwag kang tumulad sa kabayo o mola
na walang pang-unawa,
na kailangan pang rendahan
upang mapasunod.”
10Maraming hirap ang mararanasan
ng taong masama,
ngunit mamahalin ng Panginoon
ang sa kanya ay nagtitiwala.
11Kayong mga matuwid, magalak kayo
at magsaya sa Panginoon.
Kayong mga namumuhay ng tama,
sumigaw kayo sa galak!
اکنون انتخاب شده:
Salmo 32: ASD
هایلایت
به اشتراک گذاشتن
مقایسه
کپی
می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.