Salmo 138
138
Salmo 138
Awit na isinulat ni David.
1 Panginoon, magpapasalamat ako sa inyo nang buong puso.
Aawit ako ng mga papuri sa inyo sa harap ng mga diyos.#138:1 mga diyos: Tingnan ang talababa sa 82:1.
2Luluhod ako na nakaharap sa inyong templo at magpupuri sa inyo
dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.
Sapagkat ipinakita nʼyo na kayo
at ang inyong mga salita ay dakila sa lahat.
3Nang humingi ako ng tulong,
akoʼy inyong sinagot.
Akoʼy binigyan ninyo ng lakas ng loob.
4Magpupuri sa inyo, Panginoon, ang lahat ng hari sa buong mundo,
dahil maririnig nila ang inyong mga salita.
5Silaʼy aawit tungkol sa inyong ginawa,
dahil dakila ang inyong kapangyarihan.
6 Panginoon, kahit kayoʼy dakila sa lahat,
nagmamalasakit kayo sa mga aba ang kalagayan.
At kahit nasa malayo ka
ay nakikilala mo ang lahat ng mga hambog.
7Kahit na sa buhay na itoʼy may mga kaguluhan,
ang buhay koʼy inyong iniingatan.
Pinarurusahan nʼyo ang aking mga kaaway.
Inililigtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
8Tutuparin nʼyo Panginoon ang inyong mga pangako sa akin.
Ang pag-ibig nʼyo ay walang hanggan.
Huwag nʼyong pabayaan ang gawa ng inyong kamay.
اکنون انتخاب شده:
Salmo 138: ASD
هایلایت
به اشتراک گذاشتن
مقایسه
کپی
می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.