Salmo 136
136
Salmo 136
1Magpasalamat kayo sa Panginoon,
dahil siyaʼy mabuti.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
2Magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
3Magpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
4Siya lang ang gumagawa ng kahanga-hangang mga himala.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
5Sa pamamagitan ng kanyang karunungan,
ginawa niya ang kalangitan.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
6Inilatag niya ang lupa sa ibabaw ng tubig.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
7Ginawa niya ang araw at ang buwan.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
8Ginawa niya ang araw
upang magbigay-liwanag kung araw.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
9Ginawa niya ang buwan at mga bituin
upang magbigay-liwanag kung gabi.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
10Pinatay niya ang mga panganay
na anak ng mga Ehipsiyo.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
11Inilabas niya ang mga taga-Israel sa Ehipto.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
12Inilabas niya sila sa pamamagitan
ng kanyang kapangyarihan.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
13Hinawi niya ang Dagat na Pula.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
14At pinatawid niya
sa gitna nito ang mga taga-Israel.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
15Ngunit nilunod niya roon ang Faraon
at ang kanyang mga kawal.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
16Pinatnubayan niya ang kanyang
mga mamamayan sa ilang.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
17Nilipol niya ang makapangyarihang mga hari.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
18Pinatay niya ang mga dakilang hari.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
19Pinatay niya si Sihon na hari ng Amoreo.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
20Pinatay din niya si Haring Og ng Bashan.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
21Ibinigay niya ang kanilang lupain
sa kanyang mga mamamayan bilang pamana.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
22At ang lupaing itoʼy naging pag-aari
ng mga mamamayan ng Israel na kanyang mga lingkod.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
23Sa ating abang kalagayan,
hindi niya tayo kinalimutan.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
24Iniligtas niya tayo sa ating mga kaaway.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
25Binigyan niya ng pagkain ang lahat niyang nilalang.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
26Magpasalamat tayo sa Diyos na nasa langit.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
اکنون انتخاب شده:
Salmo 136: ASD
هایلایت
به اشتراک گذاشتن
مقایسه
کپی
می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.