Salmo 133

133
Salmo 133
Awit na isinulat ni David para sa mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.
1Napakagandang makita ang mga mamamayan ng Diyos
na namumuhay nang may pagkakaisa.
2Itoʼy parang mamahaling langis na ibinuhos
sa ulo ni Aaron
na dumaloy sa kanyang balbas
hanggang sa kuwelyo ng kanyang damit.
3Katulad din ito ng hamog sa Bundok ng Hermon
na umaabot sa Bundok ng Zion.
At dito sa Zion ay nangako ang Panginoon na magbibigay nang pagpapala,
at itoʼy ang buhay na walang hanggan.

اکنون انتخاب شده:

Salmo 133: ASD

های‌لایت

به اشتراک گذاشتن

مقایسه

کپی

None

می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید