Salmo 126

126
Salmo 126
Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.
1Nang muling ibinalik ng Panginoon sa Zion
ang mga nabihag,#126:1 mga nabihag: O kaunlaran at katahimikan.
itoʼy parang panaginip lamang.
2Tayo nooʼy nagtatawanan
at nag-aawitan sa labis na kagalakan.
At sinabi ng ibang mga bansa,
“Napakadakila ng mga bagay
na ginawa ng Panginoon para sa kanila.”
3Totoong ginawan tayo ng dakilang bagay ng Panginoon,
at punong-puno tayo ng kagalakan.
4 Panginoon, muli nʼyo kaming paunlarin,
tulad ng tuyong batis na muling nagkaroon ng tubig.
5Silang nagtatanim na lumuluha
ay mag-aaning tuwang-tuwa.
6Ang umalis na lumuluha,
na may dalang binhi na itatanim
ay babalik na masaya,
na may dala-dalang mga ani.

اکنون انتخاب شده:

Salmo 126: ASD

های‌لایت

به اشتراک گذاشتن

مقایسه

کپی

None

می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید