Salmo 122

122
Salmo 122
Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.
1Ako ay nagalak ng sabihin nila sa akin,
“Pumunta tayo sa templo ng Panginoon.”
2At ngayoʼy narito na kami
at nakatayo sa pintuan ng Jerusalem.
3Ang Jerusalem ay bayan
na itinayong maganda at matibay.
4Dito pumupunta ang mga lahi ng Israel
upang purihin ang Panginoon
ng naaayon sa kanyang itinuro sa kanila.
5Dito sa Jerusalem ang hukuman ng mga hari
na mula sa angkan ni David.
6Idalangin ninyo na maging mabuti ang kalagayan ng Jerusalem:
“Umunlad sana ang nagmamahal sa bayan na ito.
7Magkaroon sana ng kapayapaan sa loob ng Jerusalem
at kaunlaran sa palasyo nito.”
8Alang-alang sa aking mga kamag-anak
at mga kaibigan, sasabihin ko sa Jerusalem,
“Sumainyo ang kapayapaan.”
9Alang-alang sa templo ng Panginoon na ating Diyos,
mananalangin ako para sa kabutihan
at kaunlaran ng Jerusalem.

اکنون انتخاب شده:

Salmo 122: ASD

های‌لایت

به اشتراک گذاشتن

مقایسه

کپی

None

می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید