Isaias 31
31
Kahabag-habag ang mga Umaasa sa Ehipto
1Kahabag-habag kayong humihingi
ng tulong sa Ehipto.
Umaasa kayo
sa mabibilis nilang kabayo,
sa marami nilang karwahe,
at malalakas na sundalong nangangabayo.
Ngunit hindi kayo nagtitiwala
sa Panginoon,
ang Banal na Diyos ng Israel,
at hindi kayo humihingi
ng tulong sa kanya.
2Sa karunungan ng Diyos,
magpapadala siya ng salot,
at talagang gagawin niya
ang kanyang sinabi.
Paparusahan niya
ang pamilya ng masasama
at ang mga tumutulong sa kanila.
3Ang mga taga-Ehipto
ay mga tao lang din at hindi Diyos.
Ang mga kabayo nilaʼy
hindi naman mga espiritu,
kundi tulad lang din
ng ibang mga kabayo.
Kapag nagparusa na ang Panginoon,
mawawasak ang Ehipto
pati ang mga bansa na tinulungan nito.
Pare-pareho silang mawawasak.
4Ito ang sinabi sa akin ng Panginoon,
“Walang makakapigil sa leon
sa paglapa niya sa kanyang biktima
kahit na magsisigaw pa
ang mga nagbabantay ng mga hayop.
Katulad ko rin, walang makakapigil sa akin
para ingatan ang Bundok ng Zion.
5Ako ang Panginoon ng mga Hukbo,
babantayan ko ang Jerusalem
na parang ibong nagbabantay
sa kanyang pugad.
Iingatan ko ito, ililigtas,
at hindi pababayaan.”
6Mga Israelita, magbalik-loob kayo sa Panginoon na labis na ninyong sinuway. 7Sapagkat darating ang araw na itatakwil ninyo ang inyong mga diyos-diyosang pilak at ginto na kayo mismo ang gumawa dahil sa inyong pagiging makasalanan.
8Mamamatay ang mga taga-Asiria,
ngunit hindi sa pamamagitan
ng espada ng tao.
Tatakas sila mula sa digmaan,
at magiging alipin ang kanilang
mga kabataan.
9Tatakas ang kanilang mga kawal#31:9 mga kawal: Sa literal, bato.
dahil sa takot,
pati ang kanilang mga pinuno
ay hindi na malaman ang gagawin
kapag nakita nila
ang bandila ng kanilang mga kaaway.
Iyan ang sinabi ng Panginoon,
na ang kanyang apoy
ay nagniningas sa Zion,
ang lungsod ng Jerusalem.#31:9 ang kanyang apoy … Jerusalem: Maaaring ang sinasabing apoy dito ay ang apoy sa altar. Maaari ring ang apoy dito ay simbolo ng galit ng Panginoon.
اکنون انتخاب شده:
Isaias 31: ASD
هایلایت
کپی
مقایسه
به اشتراک گذاشتن
می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.