Mga Taga-Colosas 1:9-10
Mga Taga-Colosas 1:9-10 ASD
Kaya nga, mula nang mabalitaan namin ang tungkol sa inyo, hindi kami tumigil sa pagdarasal para sa inyo. Hinihiling namin sa Diyos na bigyan nawa kayo ng karunungan at pang-unawang mula sa Espiritu upang lubusan ninyong malaman ang kalooban niya. Sa ganoon, makakapamuhay kayo nang karapat-dapat at kalugod-lugod sa Panginoon sa lahat ng bagay. At makikita na lumalago kayo sa mabubuting gawa at sa pagkakakilala sa Diyos.


