Tumawag ako nang malakas sa Diyos.
Tumawag ako sa kanya
upang akoʼy kanyang pakinggan.
Kapag akoʼy nagdurusa,
akoʼy nananalangin sa Panginoon.
Sa gabi ay nakataas ang aking mga kamay
sa pagdarasal,
at hindi ako napapagod,
ngunit wala pa rin akong kaaliwan.