1
Salmo 37:4
Ang Salita ng Diyos
ASD
Sa PANGINOON mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.
مقایسه
Salmo 37:4 را جستجو کنید
2
Salmo 37:5
Ipagkatiwala mo sa PANGINOON ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya.
Salmo 37:5 را جستجو کنید
3
Salmo 37:7
Pumanatag ka sa piling ng PANGINOON, at matiyagang maghintay sa gagawin niya. Huwag mong kaiinggitan ang masasama na gumiginhawa, kahit pa magtagumpay ang masasamang plano nila.
Salmo 37:7 را جستجو کنید
4
Salmo 37:3
Magtiwala ka sa PANGINOON at gumawa ng mabuti. Sa gayon ay mananahan ka nang ligtas sa lupaing ito.
Salmo 37:3 را جستجو کنید
5
Salmo 37:23-24
Ginagabayan ng PANGINOON ang bawat hakbang ng taong matuwid na ang buhay ay nakakalugod sa kanya. Matisod man siyaʼy hindi siya mabubuwal, dahil hinahawakan siya ng PANGINOON.
Salmo 37:23-24 را جستجو کنید
6
Salmo 37:6
Ihahayag niya nang malinaw na ikaw ay matuwid at makatarungan, kasinliwanag ng sinag ng araw sa katanghaliang tapat.
Salmo 37:6 را جستجو کنید
7
Salmo 37:8
Huwag kang magagalit, pigilan mo ang iyong poot. Ni huwag kang mababalisa, dahil ito sa iyo ay makakasama.
Salmo 37:8 را جستجو کنید
8
Salmo 37:25
Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na, ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan na ang matuwid ay pinabayaan ng PANGINOON o ang kanyang mga anak ay namalimos ng pagkain.
Salmo 37:25 را جستجو کنید
9
Salmo 37:1
Huwag kang mabahala dahil sa mga gumagawa ng masasama, o mainggit sa mga gumagawa ng mali.
Salmo 37:1 را جستجو کنید