Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo
ng sayaw ng kagalakan.
Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa,
at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan,
upang hindi ako tumahimik,
sa halip ay umawit ng papuri sa inyo.
PANGINOON kong Diyos,
kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.