Pinatatawad niya
ang lahat kong kasalanan,
at pinagagaling
ang lahat kong karamdaman.
Inililigtas niya ako
sa kapahamakan,
at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag.
Pinagkakalooban niya ako
ng mga mabubuting bagay
habang akoʼy nabubuhay.
Kaya akoʼy parang nasa
aking kabataan
at malakas tulad ng agila.