Pinagpala ang mga taong
natagpuan ang karunungan,
gayundin ang mga taong
nakamtan ang kaunawaan.
Sapagkat mas mainam pa ito kaysa pilak,
at mas higit pa ang bunga nito kaysa ginto,
at sa ano pa mang mga mamahaling bato.
Walang anumang bagay
ang maaaring ipantay dito.