1
Kawikaan 11:25
Ang Salita ng Diyos
ASD
Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.
مقایسه
Kawikaan 11:25 را جستجو کنید
2
Kawikaan 11:24
Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga taong sakim ay hahantong sa kahirapan.
Kawikaan 11:24 را جستجو کنید
3
Kawikaan 11:2
Ang taong mayabang ay madaling mapahiya, ngunit may karunungan ang taong mapagpakumbaba.
Kawikaan 11:2 را جستجو کنید
4
Kawikaan 11:14
Kung walang gumagabay, babagsak ang bansa, ngunit tiyak ang kaligtasan kung maraming tagapayo.
Kawikaan 11:14 را جستجو کنید
5
Kawikaan 11:30
Ang ginagawa ng mga taong matuwid ay makakatulong sa iba upang mapabuti at mapahaba ang kanilang buhay. At madadala niya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang karunungan.
Kawikaan 11:30 را جستجو کنید
6
Kawikaan 11:13
Ang mga taong madaldal ay nagsisiwalat ng sikreto, ngunit ang taong mapagkakatiwalaan ay nakakapagtago nito.
Kawikaan 11:13 را جستجو کنید
7
Kawikaan 11:17
Ang mabuting tao ay gagantimpalaan ng kanyang kabutihan, ngunit hahantong sa kapahamakan ang taong malupit.
Kawikaan 11:17 را جستجو کنید
8
Kawikaan 11:28
Mabibigo ang taong nagtitiwala sa kanyang kayamanan, ngunit ang taong matuwid ay lalago na parang sariwang halaman.
Kawikaan 11:28 را جستجو کنید
9
Kawikaan 11:4
Ang kayamanan ay hindi makakatulong sa araw ng paghuhukom, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay magliligtas sa iyo sa kamatayan.
Kawikaan 11:4 را جستجو کنید
10
Kawikaan 11:3
Ang pamumuhay nang may katapatan ang gagabay sa taong matuwid, ngunit ang taong mandaraya ay mapapahamak dahil hindi tama ang kanyang pamumuhay.
Kawikaan 11:3 را جستجو کنید
11
Kawikaan 11:22
Ang magandang babaeng hindi marunong magpasya ay parang isang gintong singsing sa nguso ng baboy.
Kawikaan 11:22 را جستجو کنید
12
Kawikaan 11:1
Kinasusuklaman ng PANGINOON ang nandaraya sa timbangan, ngunit ang nagtitimbang ng tama ay kanyang kinalulugdan.
Kawikaan 11:1 را جستجو کنید