Ito ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel.
Sa pamamagitan ng mga kawikaang ito,
magkakaroon ka ng karunungan,
maitutuwid ang iyong ugali
at iyong mauunawaan
ang mga aral na sa iyoʼy
magbibigay karunungan.
Sa pamamagitan din nitoʼy magiging disiplinado ka,
dahil itinuturo nito ang matuwid
na paraan ng pamumuhay,
mabuting pag-uugali, paggawa ng tama,
at pagiging makatarungan.
Makapagbibigay ito ng karunungan
sa mga walang kaalaman
at sa kabataaʼy magtuturo
ng tamang pagpapasya.