“Ngunit mapalad ang taong nagtitiwala
at lubos na umaasa sa PANGINOON.
Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog
na ang mga ugat ay umaabot sa tubig.
Ang punongkahoy na itoʼy hindi natatakot,
dumating man ang tag-init
o mahabang tag-araw.
Palaging sariwa ang mga dahon nito
at walang tigil ang pamumunga.