1
Isaias 41:10
Ang Salita ng Diyos
ASD
Huwag kang mangamba, sapagkat kasama mo ako; huwag kang malungkot, sapagkat ako ang iyong Diyos. Palalakasin kita at tutulungan. Aalalayan kita sa pamamagitan ng kamay kong nagliligtas.
مقایسه
Isaias 41:10 را جستجو کنید
2
Isaias 41:13
Sapagkat ako ang PANGINOON na iyong Diyos. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita.
Isaias 41:13 را جستجو کنید
3
Isaias 41:11
“Ang lahat ng nagagalit sa iyo ay tiyak na mapapahiya nang husto. Ang mga lumalaban sa iyo ay mapapahamak at maglalaho.
Isaias 41:11 را جستجو کنید
4
Isaias 41:9
tinawag kita at kinuha mula sa pinakamalayong dako ng mundo. Sinabi ko, ‘Ikaw ay aking lingkod.’ Pinili kita at hindi itinakwil.
Isaias 41:9 را جستجو کنید
5
Isaias 41:12
At kahit hanapin mo ang iyong mga kaaway hindi mo na sila matatagpuan. Silang mga kumakalaban sa iyo ay magiging walang kabuluhan.
Isaias 41:12 را جستجو کنید
6
Isaias 41:14
Kahit na maliit ka at mahina, huwag kang matatakot dahil ako mismo ang tutulong sa iyo,” sabi ng PANGINOON, ang iyong Tagapagligtas, ang Nag-iisang Banal ng Israel.
Isaias 41:14 را جستجو کنید
7
Isaias 41:8
“Ngunit ikaw, Israel, na aking lingkod at ikaw, Jacob, na pinili ko, mula sa lahi ni Abraham na aking kaibigan
Isaias 41:8 را جستجو کنید
8
Isaias 41:18
Paaagusin ko ang tubig sa batis, dadaloy ito sa mga tuyong burol at magkakaroon ng mga bukal sa mga lambak. Gagawin kong tubigan ang ilang at ang mga lupang tigang ay magkakaroon ng mga bukal.
Isaias 41:18 را جستجو کنید
9
Isaias 41:17
“Kapag nangangailangan ng tubig ang mga mamamayan kong dukha, at wala silang matagpuan, at kapag natutuyo na ang mga lalamunan nila sa uhaw, akong PANGINOON ang tutulong sa kanila. Ako na Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.
Isaias 41:17 را جستجو کنید
10
Isaias 41:4
Sino ang gumawa ng lahat ng ito? Sino ang nagpanukala ng lahat ng mga mangyayari mula pa noong unang henerasyon? Hindi baʼt ako? Akong PANGINOON ay naroon noong sinimulan ang mundo, at naroroon din ako hanggang sa katapusan nito.
Isaias 41:4 را جستجو کنید
11
Isaias 41:19-20
Patutubuin ko sa ilang ang mga puno ng sedro, akasya, mirto, olibo, pino, enebro, at sipres, upang makita, malaman, at maunawaan ng mga tao na ang lumikha nito ay ako, ang PANGINOON, ang Banal na Diyos ng Israel.”
Isaias 41:19-20 را جستجو کنید