Sino ang makakatakal ng tubig sa dagat
gamit ang kanyang palad,
o makakasukat ng langit
gamit ang kanyang kamay?
Sinong makakapaglagay ng alikabok
sa isang lalagyan,
o makakapagtimbang ng mga bundok
at mga burol?
Sino ang makapagsasabi
ng nasa isip ng PANGINOON,
o makapagtuturo sa kanya
kung ano ang dapat niyang gawin?
Kanino siya sumasangguni para maliwanagan,
at sino ang nagturo sa kanya
ng tamang pagpapasya?
Sino ang nagturo sa kanya
ng kaalaman,
o nagpaliwanag sa kanya
para kanyang maunawaan?
Wala!