Salmo 77
77
Salmo 77
Awit na isinulat ni Asaf para sa direktor ng mga mang-aawit na si Jedutun.
1Tumawag ako nang malakas sa Diyos.
Tumawag ako sa kanya
upang akoʼy kanyang pakinggan.
2Kapag akoʼy nagdurusa,
akoʼy nananalangin sa Panginoon.
Sa gabi ay nakataas ang aking mga kamay
sa pagdarasal,
at hindi ako napapagod,
ngunit wala pa rin akong kaaliwan.
3Naalala ko kayo, O Diyos, at akoʼy dumaing;
akoʼy nagmuni-muni at para bang akoʼy nawalan na ng pag-asa.
4Hindi ninyo ako pinatutulog,
hindi ko na alam ang aking sasabihin,
dahil balisang-balisa ako.
5Naaalala ko ang mga araw at taong lumipas.
6Naaalala ko ang mga panahong umaawit ako#77:6 Naaalala … ako: Ito ang nasa tekstong Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, Naaalala ko ang aking awit. sa gabi.
Nagbubulay-bulay ako
at tinatanong ang aking sarili:
7“Habang buhay na ba akong
itatakwil ng Panginoon?
Hindi na ba siya malulugod sa akin?
8Nawala na ba talaga
ang pag-ibig niya para sa akin?
Ang kanyang pangako ba
ay hindi na niya tutuparin?
9Nakalimutan na ba niyang maging maawain?
Dahil ba sa kanyang galit
ay nawala na ang kanyang habag?”
10At sinabi ko, “Ang pinakamasakit para sa akin
ay ang malamang hindi na tumutulong
ang Kataas-taasang Diyos.”
11 Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa.
Gugunitain ko ang mga himalang
ginawa nʼyo noon.
12Iisipin ko at pagbubulay-bulayan
ang lahat ng inyong mga dakilang gawa.
13O Diyos, ibang-iba ang inyong
mga pamamaraan.
Wala nang ibang Diyos
na kasindakila ninyo.
14Kayo ang Diyos na gumagawa ng mga himala.
Ipinapakita nʼyo sa mga tao
ang inyong kapangyarihan.
15Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,
iniligtas nʼyo ang inyong
mga mamamayan
na mula sa lahi nina Jacob at Jose.
16Ang mga tubig, O Diyos
ay natakot at nanginig,
pagkakita sa inyo.
17Mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan,
kumulog sa langit at kumidlat
kung saan-saan.
18Narinig ang kulog mula sa napakalakas na hangin;
ang mga kidlat ay nagbigay-liwanag sa mundo,
at nayanig ang buong daigdig.
19Tinawid nʼyo ang karagatang
may malalaking alon,
ngunit kahit mga bakas ng paa nʼyo
ay hindi nakita.
20Pinatnubayan ninyo ang inyong mga mamamayan
na parang kawan,
sa pamamagitan nina Moises at Aaron.
Currently Selected:
Salmo 77: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Awit 77
77
Kaaliwan sa Panahon ng Bagabag
Awit na katha ni Asaf upang awitin ng Mang-aawit na si Jeduthun.
1Sa Diyos ako ay tumawag, at dumaing nang malakas,
ganoon ang aking daing upang ako'y dinggin agad.
2Hinanap ko'y Panginoon sa panahong may bagabag,
hindi ako napagod, dumalangin na magdamag,
ngunit di ko nasumpungan ang aliw kong hinahangad.
3Nagunita ko ang Diyos, kaya ako ay dumaing,
ako'y nagdidili-dili ngunit ako'y bigo pa rin. (Selah)#3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
4Hindi ako patulugin, waring ito ay parusa,
hindi ako makaimik, pagkat ako ay balisa.
5Nagbalik sa gunita ko ang nagdaang mga araw,
nanariwa sa isip ko ang panahong nakaraan;
6ako'y nagbubulay-bulay sa silid ko gabi-gabi,
ang diwa ko ay gising at tinatanong ang sarili:
7“Ako baga, Panginoo'y lubusan mong itatakwil?
Di mo na ba ibabalik sa akin ang iyong pagtingin?
8Ang iyo bang pagmamahal sa amin ay nagwakas na?
Hindi na ba maaaring sa pangako mo'y umasa?
9Yaong kagandahang-loob mo ba ay nakalimutan mo na?
Dahilan sa iyong galit, ang awa mo'y wala na ba?” (Selah)#9 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
10Ganito ang aking sabi: “Ang sakit ng aking loob,
para bagang mahina na't walang lakas ang aking Diyos.”
11Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa,
ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga.
12Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay,
magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan.
13Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal,
at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay.
14Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga,
iyang kadakilaan mo'y nahayag na sa nilikha.
15Dahilan sa iyong lakas, mga hirang mo'y natubos,
ang lahat ng mga angkan ni Jose at ni Jacob. (Selah)#15 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
16Noong ikaw ay makita ng maraming mga tubig,
pati yaong kalaliman ay natakot at nanginig.
17Magmula sa mga ulap mga ulan
ay bumuhos,
at mula sa papawirin, nanggaling ang mga kulog
na katulad ay palasong sumisibat sa palibot.
18Dagundong na gumugulong ang ingay na idinulot,
ang guhit ng mga kidlat ay tanglaw sa sansinukob;
pati mundo ay nayanig na para bang natatakot.
19Ang landas mong dinaraana'y malawak na karagatan,
ang daan mong tinatahak ay dagat na kalawakan;
ngunit walang makakita ng bakas mong iniiwan.
20Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan mong parang kawan,
si Moises at si Aaron yaong iyong naging kamay!
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society