Salmo 72
72
Salmo 72
Awit na isinulat ni Solomon.
1O Diyos, ituro nʼyo po sa hari
ang iyong pamamaraan sa paghatol
at katuwiran,
2upang makatarungan siyang makapaghatol
sa inyong mga mamamayan,
pati na sa mga dukha.
3Sumagana sana ang mga kabundukan
upang mapagpala ang inyong mga mamamayan
dahil matuwid ang hari.
4Tulungan nʼyo siyang maipagtanggol
ang mga dukha
at durugin ang mga umaapi sa kanila.
5Nawaʼy katakutan ka nila#72:5 Sa ibang manuskrito, Manatili sana sila., magpakailanman,
hanggang ang araw ay sumisikat,
hanggang ang buwan ay naroon sa kalangitan.
6Ang hari sanaʼy maging tulad ng ulan
na bumubuhos sa parang,
ulan na dumidilig sa kalupaan.
7Umunlad sana ang buhay ng mga matuwid
sa panahon ng kanyang pamumuno,
at maging maayos ang kalagayan ng tao
hanggang sa wakas ng panahon.
8Lumawak sana nang lumawak
ang kanyang kaharian,#72:8 Lumawak … kaharian: Sa literal, Maghari sana siya mula sa dagat hanggang sa dagat.
mula sa ilog ng Eufrates
hanggang sa pinakadulo ng mundo.#72:8 mundo: O Israel.
9Magpasakop sana sa kanya
ang mga kaaway niyang nakatira sa ilang.
10Magbigay sana ng buwis sa kanya
ang mga hari ng Tarsis,
at mga kaloob ang mga hari
ng Sheba at Seba.
11Magpasakop sana sa kanya
ang lahat ng hari
at ang lahat ng bansa ay maglingkod sa kanya.
12Inililigtas niya ang mga dukha
na humihingi ng tulong,
gayundin ang mga mahihirap
na walang tumutulong.
13Kahahabagan niya ang mga dukha
at nangangailangan
at silaʼy kanyang tutulungan.
14Ililigtas niya sila sa mga malulupit
at mapang-api
dahil para sa kanya,
ang buhay nilaʼy mahalaga.
15Mabuhay sana ang hari nang matagal.
Sanaʼy mabigyan siya ng ginto
mula sa Sheba.
Sanaʼy idalangin palagi ng mga tao
na pagpalain siya ng Diyos.
16Sumagana sana ang ani sa lupain
maging sa tuktok ng bundok,
katulad ng mga ani sa Lebanon.
Dumami rin sana ang mga tao
sa mga lungsod,
kasindami ng damo sa mga parang.
17Huwag sanang malimutan
ang pangalan ng hari
magpakailanman,
habang sumisikat pa ang araw.
Sa pamamagitan sana niya
ay pagpalain ng Diyos ang lahat ng bansa,
at sabihin sana ng mga ito
na siyaʼy pinagpala ng Diyos.
18Purihin ang Panginoong Diyos,
ang Diyos ng Israel,
na siyang tanging nakagagawa
ng mga bagay
na kamangha-mangha.
19Purihin ang kanyang dakilang pangalan
magpakailanman!
Mahayag sana sa buong mundo
ang kanyang kaluwalhatian.
Amen! Amen!
20Dito nagwawakas ang mga panalangin ni David
na anak ni Jesse.
Currently Selected:
Salmo 72: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Awit 72
72
Panalangin Para sa Hari
Katha ni Solomon.
1Turuan mo po ang haring humatol nang makat'wiran,
sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya'y bahaginan;
2nang matuwid na tuparin tungkulin sa iyong bayan,
at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.
3Ang lupain nawa niya'y umunlad at managana;
maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.
4Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap,
mga nangangailangan, pag-ukulan ng paglingap;
at ang nang-aapi ay lupigin at ibagsak.
5Nawa sila ay maglingkod, silang lahat mong hinirang,
hangga't araw sumisikat, hangga't buwa'y sumisilang.
6Ang hari sana'y matulad sa ulan ng kaparangan;
bumubuhos, dumidilig sa lahat ng nabubuhay.
7At ang buhay na matuwid sa kanyang kapanahunan,
maghari sa bansa niya't umunlad kailanpaman.
8Nawa#Zac. 9:10; Ecc. 44:21. kanyang kaharian ay lubusan ngang lumawak,
mula sa Ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat.
9Sa harap niya ay susuko mga taong nasa ilang;
isubsob nga sa lupa, lahat ng kanyang kaaway.
10Mga haring nasa pulo at naroon sa Espanya, maghahandog ng kaloob upang parangalan siya.
Pati rin ang mga hari ng Arabia at Etiopia, may mga kaloob ding ibibigay sa kanya.
11Ang lahat ng mga hari, gagalang sa harap niya,
mga bansa'y magpupuri't maglilingkod sa tuwina.
12Kanyang inililigtas ang mga dukhang tumatawag,
lalo na ang nalimutan, mga taong mahihirap;
13sa ganitong mga tao siya'y lubhang nahahabag;
sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas.
14Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas,
sa kanya ang buhay nila'y mahalagang hindi hamak.
15Pagpalain itong hari! Siya nawa ay mabuhay!
At magbuhat sa Arabia'y magtamo ng gintong-yaman;
sa tuwina siya nawa'y idalangin nitong bayan,
kalingain nawa ng Diyos, pagpalain habang buhay.
16Sa lupai'y sumagana nawang lagi ang pagkain;
ang lahat ng kaburulan ay mapuno ng pananim
at matulad sa Lebanon na mauunlad ang lupain.
At ang kanyang mga lunsod, dumami ang mamamayan,
sindami ng mga damong tumubo sa kaparangan.
17Nawa ang kanyang pangalan ay huwag nang malimutan,
manatiling bantog hangga't sumisikat itong araw.
Nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa, at sa Diyos, silang lahat dumalanging: “Harinawa,
pagpalain kaming lahat, tulad niyang pinagpala.”
18Si Yahweh, Diyos ng Israel, purihin ng taong madla;
ang kahanga-hangang bagay tanging siya ang may gawa.
19Ang dakilang ngalan niya ay purihin kailanman,
at siya ay dakilain nitong buong sanlibutan!
Amen! Amen!
20Ito ang wakas ng mga dalangin ni David, na anak ni Jesse.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society