Salmo 51
51
Salmo 51
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David noong siyaʼy pinagsabihan ni Propeta Natan tungkol sa kanyang pangangalunya kay Batsheba.
1O Diyos, ako poʼy inyong kaawaan
sang-ayon sa inyong tapat
na pagmamahal;
Ang mga pagsuway koʼy
inyo pong pawiin
sang-ayon sa inyong
pagmamalasakit sa akin.
2Hugasan nʼyo po ako
sa aking kasamaan,
at linisin nang lubos
sa aking kasalanan.
3Mga pagsuway koʼy
tunay kong nalalaman,
pagkakasala koʼy
laging laman ng isipan.
4Tanging sa inyo lamang ako
tunay na nagkasala.
Di kalugod-lugod sa inyong harapan
ang aking ginawa.
Kaya ang inyong paghuhusga
sa akin ay makatarungan.
Nararapat lamang
na akoʼy inyong hatulan.
5Tunay ngang akoʼy makasalanan,
mula pa noong akoʼy isilang;
kahit noong akoʼy ipinagbubuntis
pa lamang ng aking ina.
6Ngunit ang nais nʼyoy
isang pusong tapat
kahit noong akoʼy nasa sinapupunan pa lamang;
pinuspos nʼyo ako
ng karunungan.
7Linisin at hugasan nʼyo ako
sa aking mga kasalanan
upang lubusan luminis ang pusoʼt kaluluwa ko.
8Ipadama nʼyo sa akin ang kasiyahan
at kaligayahan
upang sa aba kong kalagayan,
ay muli kong makamtan ang kagalakan.
9Kalimutan nʼyo na ang aking
mga kasalanan,
at burahin ang lahat kong kasamaan.
10Isang busilak na puso, O Diyos,
ang likhain nʼyo sa akin;
bagong espiritung matapat,
ang ibigay sa akin.
11Huwag nʼyo po akong itaboy
palayo sa inyong piling,
at huwag nʼyo po sanang bawiin
ang inyong Banal na Espiritu sa akin.
12Panumbalikin sa akin
ang kagalakang
bunga ng inyong pagliligtas sa akin.
Bigyan nawa ako
ng espiritung masunurin.
13At tuturuan ko
ang mga makasalanan
ng inyong mga pamamaraan
upang sa inyo, silaʼy manumbalik.
14Patawarin nʼyo ako sa kasalanan kong pagpatay,#51:14 O Iligtas nʼyo ako sa nakaambang kamatayan.
O Diyos na aking Tagapagligtas,
at sisigaw ako sa galak
dahil kayo ay matuwid.
15Panginoon, buksan nʼyo po
ang aking labi,
nang ang mga itoʼy magpuri sa inyo.
16Hindi naman mga handog
ang nais nʼyo;
mag-alay man ako
ng mga handog na sinusunog,
hindi rin kayo malulugod.
17Ang handog ko sa inyo, O Diyos,
ay isang pusong nagpapakumbaba,
at nagsisisi sa kanyang kasalanan.
O Diyos, ito ang handog
na hindi ninyo tatanggihan.
18Dahil sa kagustuhan nʼyo,
pagpalain nʼyo ang Jerusalem.#51:18 Jerusalem: Sa Hebreo, Zion.
Muli nʼyong itayo ang mga pader nito.
19Nang sa gayoʼy malugod kayo
sa mga nararapat na handog,
pati sa mga handog na sinusunog nang buo.
At maghahandog din sila ng mga baka
sa inyong altar.
Currently Selected:
Salmo 51: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Awit 51
51
Panalangin ng Paghingi ng Kapatawaran
Awit#2 Sam. 12:1-15. na katha ni David, upang awitin ng Punong Mang-aawit, nang siya ay pagwikaan ni Propeta Natan tungkol kay Batsheba.
1Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob;
mga kasalanan ko'y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
2Linisin mo sana ang aking karumhan,
at patawarin mo'ng aking kasalanan!
3Mga pagkakasala ko'y kinikilala,
di ko malilimutan, laging alaala.
4Sa#Ro. 3:4. iyo lang ako nagkasalang tunay,
at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan;
kaya may katuwiran ka na ako'y hatulan,
marapat na ako'y iyong parusahan.
5Ako'y masama na buhat nang isilang,
makasalanan na nang ako'y iluwal.
6Nais mo sa aki'y isang pusong tapat;
puspusin mo ako ng dunong mong wagas.
7Ako ay linisin, sala ko'y hugasan
at ako'y puputi nang lubus-lubusan.
8Sa galak at tuwa ako ay puspusin;
butong nanghihina'y muling palakasin.
9Ang kasalanan ko'y iyo nang limutin,
lahat kong nagawang masama'y pawiin.
10Isang pusong tapat sa aki'y likhain,
bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
11Sa iyong harapa'y huwag akong alisin;
iyong banal na Espiritu'y paghariin.
12Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas,
ibalik at ako po'y gawin mong tapat.
13Kung magkagayon na, aking tuturuang
sa iyo lumapit ang makasalanan.
14Ingatan mo ako, Tagapagligtas ko
at aking ihahayag ang pagliligtas mo.
15Tulungan mo akong makapagsalita,
at pupurihin ka sa gitna ng madla.
16Hindi mo na nais ang mga handog;
di ka nalulugod, sa haing sinunog;
17ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbabá't pusong mapagtapat.
18Iyong kahabagan, O Diyos, ang Zion;
at ang Jerusalem ay muling ibangon.
19At kung magkagayon, ang handog na haing
dala sa dambana, torong susunugin,
malugod na ito'y iyong tatanggapin.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society