Salmo 50
50
Salmo 50
Awit na isinulat ni Asaf.
1Ang Panginoong Diyos na makapangyarihan
ay nagsasalita at nananawagan
sa lahat ng tao sa buong mundo.
2Nagliliwanag siya mula sa Zion,
ang magandang lungsod na walang kapintasan.
3Darating ang Diyos at hindi lang siya basta mananahimik.
Sa unahan niyaʼy may apoy na nagngangalit,
at may bagyong ubod ng lakas sa kanyang paligid.
4Tinawag niya ang buong langit at mundo upang sumaksi
sa paghatol niya sa kanyang mga mamamayan.
5Sinabi niya, “Tipunin sa aking harapan
ang mga tapat kong pinili
na nakipagkasundo sa akin
sa pamamagitan ng paghahandog.”
6Inihahayag ng kalangitan na ang Diyos ay matuwid,
dahil siya nga ang Diyos
na may karapatang mamuno at humatol.
7Sinabi pa ng Diyos, “Kayong mga mamamayan ko,
pakinggan ninyo ang aking sasabihin!
Ako ang Diyos, na inyong Diyos.
Sasaksi ako laban sa inyo, mga taga-Israel!
8Hindi dahil sa inyong mga sinusunog na handog
na palagi ninyong iniaalay sa akin.
9Hindi ko kailangan ang inyong mga baka#50:9 baka: Sa literal, toro. at mga kambing.
10Sapagkat akin ang lahat ng hayop:
ang mga hayop sa gubat
at ang mga baka sa libu-libong mga burol.
11Kilala ko rin ang lahat ng ibon sa mga bundok,
at ang lahat ng hayop sa parang ay akin.
12Kung magutom man ako,
hindi ako hihingi sa inyo ng pagkain,
dahil ang daigdig at ang lahat
ng nasa loob nito ay akin.
13Kumakain ba ako ng karne ng toro?
Hindi!
Umiinom ba ako ng dugo ng kambing?
Hindi!
14“Ang kailangan kong handog ay ang inyong pasasalamat
at ang pagtupad sa mga ipinangako ninyo
sa akin na Kataas-taasang Diyos.
15Tumawag kayo sa akin sa oras ng inyong kagipitan.
At ililigtas ko kayo at akoʼy pararangalan ninyo.”
16Ngunit sinabi ng Diyos sa mga masama,
“Wala kayong karapatang banggitin
ang aking mga kautusan at kasunduan!
17Namumuhi kayo sa aking pagdidisiplina.
Hindi ninyo pinapansin ang mga sinasabi ko.
18Kapag nakakita kayo ng magnanakaw,
nakikipagkaibigan kayo sa kanya
at nakikisama rin kayo sa mga nakikiapid.
19Lagi kayong nagsasalita ng masama
at kay dali para sa inyong magsinungaling.
20Handa kayong manira ng puri ng inyong mga kaanak,
kahit ng sarili ninyong kapatid.
21Hindi ako kumibo nang gawin ninyo ang mga bagay na ito,
kaya inakala ninyong katulad din ninyo ako.
Ngunit sasawayin ko kayo
at ipapakita ko sa inyo kung gaano kayo kasama.
22Pakinggan ninyo ito, kayong mga nakalimot sa Diyos,
dahil kung hindi ay lilipulin ko kayo
at walang makapagliligtas sa inyo.
23Ang naghahandog sa akin ng pasasalamat
ay pinaparangalan ako
at ang nag-iingat sa kanyang pag-uugali
ay ililigtas ko.”
Currently Selected:
Salmo 50: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Awit 50
50
Tunay na Pagsamba
Awit ni Asaf.
1Ang Makapangyarihang Diyos, si Yahweh ay nagsasaysay,
ang lahat ay tinatawag sa silangan at kanluran.
2Magmula sa dakong Zion, ang lunsod ng kagandahan,
makikita siyang nagniningning sa kaluwalhatian.
3Ang Diyos natin ay darating, ngunit hindi matahimik;
sa unaha'y nangunguna ang apoy na nagngangalit,
bumabagyong ubod-lakas, humahangin sa paligid.
4Ginagawa niyang saksi ang lupa at kalangitan,
upang masdan ang ganitong paghatol sa mga hirang:
5“Ang lahat ng matatapat na lingkod ko ay tipunin,
silang tapat sa kasunduan at nag-aalay ng handog.”
6Ang buong kalangita'y naghahayag na ang Diyos,
isang hukom na matuwid, kung humatol ay maayos. (Selah)#6 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
7“Kayong aking mga lingkod, makinig sa sasabihin;
ako ay Diyos, ang inyong Diyos, salita ko'y unawain;
ako'y mayroong patotoo't saksi laban sa Israel.
8Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog,
ni sa inyong mga haing sa dambana'y sinusunog,
9bagaman ang mga toro'y hindi ko na kailangan,
maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan.
10Pagkat akin iyang hayop sa gitna ng kagubatan,
maging bakang naglipana sa maraming kaburulan.
11Akin din ang mga ibong lumilipad sa itaas,
at ang lahat na may buhay sa parang ay akin lahat.
12“Kung ako ma'y nagugutom, hindi ko na sasabihin,
yamang lahat sa daigdig na narito'y pawang akin.
13Ang karne ng mga toro, iyon ba'y aking pagkain?
At ang inumin ko ba'y dugo ng mga kambing?
14Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat;
ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat.
15Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin;
kayo'y aking ililigtas,
ako'y inyong pupurihin.”
16Ang tanong ng Panginoon sa masama't mga buktot,
“Bakit ninyo inuusal ang aking mga utos?
Gayundin ang kasunduang hindi ninyo sinusunod?
17Kapag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot,
at ni ayaw na tanggapin ang aking mga utos;
18ang makitang magnanakaw ang nagiging kaibigan,
at taong mapang-apid ang siya ninyong kasamahan.
19“Mabilis ang inyong dila sa masamang sasabihin;
sa inyo ay bale-wala ang gawaing pagsisinungaling.
20Handa ninyong paratangan maging tunay na kapatid,
at kay daming kapintasang sa kanila'y nasisilip.
21Kahit ito ay ginawa hindi kayo pinupuna,
kaya naman ang akala, kayo't ako'y magkaisa.
Ngunit ngayon, panahon nang kayo'y aking pagwikaan,
upang inyong maunawa ang ginawang kamalian.
22“Kaya ngayo'y dinggin ito, kayong sa aki'y di pumapansin,
kapag ako'y di dininig, kayo'y aking wawasakin;
walang sinumang sa inyo'y makakaligtas sa akin.
23Ang parangal na nais ko na sa aki'y ihahain,
ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw;
akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society