Buhay na Walang KatapusanHalimbawa

May life after death, promise!
Anong comment mo tungkol sa ‘end of the world’? Grabe, dami na talagang sinasabi tungkol dito na minsan, hindi mo na alam kung ano ang dapat paniwalaan. May mga tao na feeling nila kaya nilang hulaan kung kailan ito mangyayari, tapos may iba naman na todo ready — nag-iipon ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang essentials. But one thing’s for sure: importante na maging ready tayo.
In our series this week, “Buhay na Walang Katapusan,” check natin what the Bible says about the whole ‘end of the world’ thing — or actually, it’s more like the ‘end of this age. (Hindi mawawala ang mundo, pero may pagbabagong gagawin ang Panginoon.) Let’s read this part from the Bible:
Sapagkat sa araw na iyon, maririnig ang pagtawag ng punong anghel at ang pagtunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw na utos. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Kristo ang unang bubuhayin; pagkatapos, ang mga buháy pa sa atin sa araw na iyon ay kasama nilang dadalhin sa mga ulap upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. At makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman (1 Mga Taga-Tesalonica 4:16-17 ASD)
Wow, parang movie lang, di’ ba? Pero since ganito ang paglalarawan ng Biblia sa mangyayari sa huli ng lahat, we know it’s real: babalik si Jesus! At bubuhayin Niya lahat ng sumasampalataya sa Kanya. Kaya legit, puwede nating paniwalaan na mabubuhay tayong muli pagkatapos ng kamatayan. Maniwala ka, dadalhin Niya tayo sa mga ulap para doon salubungin ang Panginoon. Can you imagine that?
At ito ang pinakamaganda sa lahat, which we invite you to say out loud: 'Makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman.
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Buhay na Walang Katapusan
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle