Buhay na Walang KatapusanHalimbawa

Death has no hold over you—here’s why! 😃
You ever peep how death really looks? Based on stories, it’s always described as a spirit na nakasuot ng itim, faceless, at may hawak na karit— na siyang gamit niya para kunin ang kaluluwa ng mga namatay. Whew, scary di’ba? Kapag nakita mo siya, alam mong game over ka na. Pero teka, what if there’s more after this?
So here’s the good news — for us who follow Jesus, death has no power. In our series this week, “Buhay na Walang Katapusan,” tingnan natin ang mahalagang katotohanang ito:
Sapagkat itong katawan nating nabubulok at namamatay ay dapat mapalitan ng katawang hindi nabubulok at hindi namamatay. At kapag ang katawang ito na nabubulok at namamatay ay napalitan na ng katawang hindi nabubulok at hindi namamatay, matutupad na ang sinasabi ng Kasulatan:
“Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay!”
“Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay?
Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?”
(1 Mga Taga-Corinto 15:53-55 ASD)
Nakikita mo ba? All this time, inisip siguro natin na end game na talaga ang death, kaya siya ang pinakamalakas sa lahat. Pero listen up — Jesus won over death because He was raised to life. And because of His work on the cross, we are also destined to win over death. Hindi ito ang huling hahawak sa atin: kahit na mamatay ang katawan natin, bubuhayin tayong muli ng Panginoon at bibigyan ng katawang hindi kailanman mabubulok o mamamatay. So for real, good news talaga ang gospel ni Jesus Christ.
Tara, ulitin mo sa sarili mo, bigkasin mo ito: “walang hawak sa akin ang kamatayan, dahil binili na ni Jesus ang buhay ko with His own blood on the cross.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Buhay na Walang Katapusan
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle