Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mga Parables ni JesusHalimbawa

Ang Mga Parables ni Jesus

ARAW 6 NG 7

Kaya mo bang magpatawad? 🤔

Napakahirap magpatawad, totoo yan. Lalo na kung napakasakit ng ginawa sa atin, hindi mo basta makakapa sa puso mo ang pagpapatawad. Ikaw ba, ano ba ang tingin mo sa ideya ng pagpapatawad?

In the Bible, Jesus shared a parable about the unforgiving servant. (Mababasa natin ang buong kuwento sa Matthew 18:23-35.)

“Sapagkat ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa isang hari na ipinatawag ang kanyang mga alipin para singilin sa kanilang mga utang. Nang simulan na niya ang paniningil, dinala sa kanya ang isang alipin na nagkautang sa kanya ng milyon-milyon. Dahil hindi siya makabayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawaʼt mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, para mabayaran ang kanyang utang.

“Nagmamakaawang nagpatirapa ang aliping iyon sa hari, ‘Bigyan nʼyo pa po ako ng panahon, at babayaran kong lahat ang utang ko.’ Naawa sa kanya ang hari, kaya pinalaya siya at pinatawad na lang sa kanyang utang. (Mateo 18:23-27 ASND)

Let’s pause here for a while. Wow, ang ganda ng nangyari! Naalala mo ba na ganyan din ang nangyari sa atin noong namatay si Jesus to pay for our debt of sin?

Pero hindi doon natapos ang parable ni Jesus. Noong umalis pala ang aliping iyon, nakasalubong niya ang isang kapwa alipin na may utang sa kanya ng ilang libo. At kahit anong pagmamakaawa nito sa kanya na bigyan pa ng panahon upang makabayad, hindi niya ito tinanggap. Nakaabot sa hari ang pangyayari at ikinagalit niya ito. Dahil napatawad siya ng hari sa napakalaking utang niya pero hindi niya nagawang gawin ito sa iba.

Maaari bang mangyari din ito sa atin? Siguro makakatulong kung pag-iisipan natin ng mabuti ang ating napakalaking pagkukulang sa Panginoon, so that we may be given the strength to extend forgiveness and mercy to those who have wronged us.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan