Ang Mga Parables ni JesusHalimbawa

May mga nagtanim ba sa buhay mo ? 🌱
Nakapag-alaga ka na ba ng isang halaman mula sa binhi? Noong bata ako, nakatira kami sa isang gusali sa lungsod, kaya wala kaming bakuran. So the only way I could grow things was to plant seeds in a can or pot. Paboritong karanasan ko ang magtanim ng munggo, at makita itong tumubo at lumago, hanggang sa nakapag-harvest pa ako ng ilang pirasong munggo!
Bakit ko ito naikuwento? Because the parable of Jesus that we’ll explore today is about the growing seed:
Sinabi pa ni Hesus, “Ang paghahari ng Diyos ay maihahalintulad dito: May isang taong naghasik ng binhi sa kanyang bukid. Habang nagtatrabaho siya sa araw at natutulog sa gabi, ang mga binhing inihasik niya ay tumutubo at lumalago, ngunit hindi niya alam kung paano ito nangyayari. Ang lupa mismo ang nagpapatubo at nagpapabunga sa pananim; lilitaw muna ang usbong, tutubo ang tangkay, at pagkatapos ay mahihitik ng butil ang uhay. At kapag hinog na ang butil, gagapasin na ito, dahil panahon na ng pag-aani.” (Marcos 4:26-29 ASND)
From this parable, this is how the kingdom of God works —like a seed that we may not understand fully how it grows, but it does.
At maraming naging ganoong “seed” sa buhay natin. Halimbawa, noong bata ako, may mga kamag-anak kami na nagpapadala sa amin ng Our Daily Bread, or mga devotional books na binabasa sa akin ni Mama bago ako matulog. Mayroon ding mga Korean missionaries na binilhan ni Papa ng mga album ng Christmas songs na nagkukuwento pala ng pagmamahal ni Jesus.
Ikaw ba, maisip mo ba kung anu-ano ang naging mga binhi sa buhay mo sa pagkilala mo kay Jesus? Kung mayroon kang maalala ngayon, let’s then thank the Lord for those seeds in your life.
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Mga Parables ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle









