Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nagsasalita Siya Sa AtinHalimbawa

Nagsasalita Siya Sa Atin

ARAW 4 NG 7

Gusto mo bang maging matatag? đź’Ş

Ano ba ang pangkaraniwan mong reaksyon kapag may pagsubok sa buhay? Nagrereklamo ka ba, umiiyak, nagagalit? It’s really uncomfortable to go through difficulties and troubles, right? Kaya minsan, mas pipilitin nating lumayo sa problema at mabuhay nang tahimik. Pero hindi ganito ang laging nangyayari, dahil bawat oras, may maaaring mangyari na magbibigay ng sakit ng ulo sa atin.

The good news is, these experiences are not wasted; nagsasalita din pala ang Panginoon sa pamamagitan ng ating mga karanasan. Basahin natin itong nakasulat sa Bible:

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin. (Roma 8:28 ASND)

Hindi ba magandang balita ito, na lahat ng bagay na nararanasan natin ay maaring gamitin ni Lord para sa ikabubuti natin? At ito pa ang isinulat din sa Bible, in the book of James:

Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. Sapagkat alam ninyong nagdudulot ito ng katatagan sa inyong pananampalataya. Kaya tiisin ninyo ang mga pagsubok upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay nĘĽyo. Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo sa karunungan, humingi siya sa Dios at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat. (Santiago 1:2-4 ASND)

Can you imagine na magagalak tayo kung may mga pagsubok na dinaranas? Mahirap atang gawin iyon, ano? Pero maaari tayong magtiwala na makakadulot ito ng katatagan sa atin. Kaya mabibigyan tayo ng lakas na tiisin ang mga ito, at makinig sa mga sinasabi ng Panginoon sa atin sa pamamagitan ng mga ito.

Let’s pray this: “Lord, alam kong nakikita Mo ang lahat ng pinagdadaanan ko. Gusto Kitang marinig through these experiences. Come and speak to me. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Tungkol sa Gabay na ito

Nagsasalita Siya Sa Atin

7-day Reading Plan Patungkol sa Nagsasalita Siya Sa Atin

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle