Nagsasalita Siya Sa AtinHalimbawa

Gusto mo bang marinig đź‘‚ang Diyos
Alam mo bang nagsasalita ang Panginoon ngayon? Madami siguro sa atin ang lumaki na akala natin ang Diyos ay nasa langit lang at malayo sa atin. Parang hindi yata nakakatulong ang mga awit gaya ng “From a Distance,” kung saan inilalarawan ang Diyos na laging nakatingin lang sa malayo. At may mga religious beliefs din tayo, lalo na dito sa Pilipinas, na we’re not good enough to approach God, or that only certain people can hear from God.
Ganito din ang nangyayari noong unang panahon: may mga religious leaders na naniniwalang ang Bible ay para lang sa mga marunong. Kaya pinagbabawalan itong basahin ng kahit sinu-sino lang. Pero may mga taong alam nilang ibinigay ito ni Lord bilang regalo sa atin, kaya gumawa sila ng paraan upang maisalin ang Bible in a language that an ordinary person can understand.
Today, gusto naming ipaalam sa iyo na nagsasalita Siya through the Bible.
Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, para maging handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Dios. (2 Timoteo 3:16-17 ASND)
In this verse, we can see that God gave us the Bible for our benefit. Hindi ba nagpapakita ito that He wants to be involved in our lives, and He wants to talk to us? Ang galing di ba?
Kung hindi ka pa nakapag- download ng Bible app, gawin mo na ito ngayon. Meron itong mga reading guides na puwede mong sundin. Then, before you read, dasalin mo ito: “Lord, gusto kong marinig ka when I read the Bible. Open up the eyes of my heart to hear You. Amen.”
Isa kang miracle!
Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Nagsasalita Siya Sa Atin
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle