Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Lakas Niya Para Sa IyoHalimbawa

Ang Lakas Niya Para Sa Iyo

ARAW 4 NG 7

The greatest strength in the universe is with you!🔋🔋🔋

Feeling mo ba na nauubos na ang lakas mo? Pagod na pagod, disappointed, discouraged, at malungkot? When you’re in that state, how do you re-energize yourself?

Sa amin, may mga iba-iba kaming ginagawa para magkaroon ulit ng lakas. Nabibilang dito ang pagbabasa ng mga magagandang libro, pagsusulat sa journal, o paglalabas sa nature. Minsan nakakatulong din ang pakikipag-usap kay Lord at pagkanta sa Kanya. And sometimes, an afternoon nap is all we need, like when we’re just physically exhausted.

Kahit ano ang paraan mo para magkaroon ulit ng lakas, may isang magandang pangako mula sa Bible para sa iyo, sapagkat nagtitiwala ka kay Lord. Basahin ito nang malakas:

"Pero mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa lamang sa akin. Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog na ang mga ugat ay umaabot sa tubig. Ang punongkahoy na itoʼy hindi manganganib, dumating man ang tag-init o mahabang tag-araw. Palaging sariwa ang mga dahon nito at walang tigil ang pamumunga.” (Jeremias 17:7-8 ASND)

Nakikita mo ba? Kapag nagtitiwala ka kay God, ang mga ugat mo ay umaabot sa tubig na ibinibigay ni Lord. Para kang isang punongkahoy that stays stable no matter what the external circumstances are, even through a long dry season. You are receiving renewal and refreshment, at patuloy kang buhay at puno ng sigla. Pangako iyan para sa iyo!

Ang pinakamalaking lakas sa buong uniberso ay kasama mo! Binabalik sa’yo ang lakas mo, at kahit sa panahon ng tagtuyot, wala kang dapat ikatakot; ikaw ay patuloy na lalago at magbibigay ng bunga.

God, the greatest strength in the universe, is with you! Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan