Ang Lakas Niya Para Sa IyoHalimbawa

God wants to multiply your strength!🏋️‍♂️
Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod. Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal, ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas… (Isaias 40:29-30 ASND)
Sa passage na ito, ang concept pala ng pagpapalakas sa Hebrew ay nangangahulugang “gawing marami” o “dagdagan” ang lakas. Do you know our God is a God of multiplication? Siya ang nagbibigay ng higit pa sa lahat ng hinihingi o iniisip natin. Ginagamit Niya ang mga maliliit at mahihina at ginagawang matatag at makapangyarihan ang mga ito! Kinuha Niya ang limang tinapay at dalawang isda at pinakain ang napakaraming tao.
Sa totoo lang, si Jesus ang kumuha ng ating “kawalan” at pinalitan ito ng kasaganaan! Ano ang kumakain sa lakas mo? Ano ang mga bagay na nagbabawas sa iyong buhay at sigla?
Tandaan mo, He not only strengthens you, but He can multiply your strength. Ibigay Mo sa Kanya ang iyong mga kabiguan, ang iyong mga kahinaan, at kung anong konti ang mayroon ka.
Narito ang magandang balita: Si Jesus ay nananalangin para sa iyo (Romans 8:32-34). Palagi Siyang nasa tabi mo. Kahit hindi mo man maramdaman ang Kanyang presensya, nandiyan Siya. Ang pinakamalakas na puwersa sa buong uniberso ay nasa loob mo at kasama mo.
Inaanyayahan kita na magdasal ngayon kasama ko: “Lord, salamat po dahil nananalangin Ka para sa’kin. Anong gandang regalo na malaman na ipinagdarasal Mo ako. Salamat po na nandiyan Ka lang sa tabi ko. Ngayong araw, ipinapaubaya ko ang aking kahinaan at pagod sa Iyong mga kamay. Ikaw lang ang makakapagpatayo at makakapagpalakas sa’kin. Naniniwala po akong pinapalakas Mo ako. Salamat po sa lahat ng ginagawa Mo sa buhay ko, Panginoon! Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Ang Lakas Niya Para Sa Iyo
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day
Mga Kaugnay na Gabay

Prayer

Nilikha Tayo in His Image

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Masayahin ang ating Panginoon

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

Sa Paghihirap…
