Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pag-ibig na Puno ng Pag-asaHalimbawa

Ang Pag-ibig na Puno ng Pag-asa

ARAW 4 NG 5

Ikaapat na Araw: Pag-usapan Natin ang Pag-asa

Kapag ang mag-asawa ay nakipagkita sa isang therapist, counselor o pastor, parang there’s trouble in paradise at mukhang nanganganib ang relasyon. Ang tiktok ng relo ay napakalakas at mukhang nagpapaalala na maaaring ito ay final attempt to turn the marriage around. May pag-asa pa kaya?

Ang ating mga araw ay puno ng financial uncertainty, problemang politika at mga perwisyong nangyayari na bahagi ng buhay. Pero itinuturo sa atin ng Bibliya kung paano tayo magkakaroon ng pag-asa sa mundong kapos sa pag-asa.

Sinabi ni Apostol Pedro na ito ang tinanggap ng mga alagad ni Jesus: “Tayo’y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo mula sa libingan at ito ang nagbigay sa ating ng isang buhay na pag-asa. Makakamit natin ang isang kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa inyo. Sapagkat kayo’y sumasampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang iyan na ihahayag sa katapusan ng panahon” (1 Peter 1:3-5). Tayo ay mayroong inaasahan…hinihintay. Ito ay nakahanda…nakalaan. At makakamit sa tamang panahon!

Ang panawagan sa atin ay ang magkaroon ng tiwala sa buhay na pag-asa na siyang tutulong sa atin na makaraos sa panahon ng sakit, di pagkakaintindihan at paghihirap na ating pagdaraanan. Kailangan nating magtiwala sa Panginoong Diyos na siyang “gumagawa para sa ikabubuti ng mga nagmamagal sa kanya…sa mga tinawag ayon sa kanyang layunin” (Romans 8:28).

Pag-isipan: Anong inaasahan mo sa araw na ito? Paano mo patitibayin ang pag-asa mo?

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pag-ibig na Puno ng Pag-asa

Tama ba sa isang alagad ng Diyos ang maging terrible hoper, gayong alam naman nating ang kayamanang walang-kupas at di masisira ay ipinangako na sa atin ng Panginoon?

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com