Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pag-ibig na Puno ng Pag-asaHalimbawa

Ang Pag-ibig na Puno ng Pag-asa

ARAW 3 NG 5

Ikatlong Araw: Pag-usapan Natin ang Pag-ibig

Sanay tayo to operate on compatibility at attraction, kaya tignan mo kung anong klaseng checklist ang available sa mga dating websites at reality shows on love and dating—lahat ay tungkol sa personal na interes at desires. Alam natin ang kahalagahan ng pag-ibig at kung anong kagandahan at kasiyahan ang hatid nito sa ating buhay.

Paano kung dumating ang panahon ng ating pagtanda? Pumuputi na ang ating buhok. Ang timbang at baywang natin ay dumoble na ang bigat at sukat. Ang mga pa-cute natin ay nakakasuya na. Ang mga “I love you’s” with matching finger hearts na hindi matapos-tapos i-express ay natigil na. Lahat ng mga kinalolokohang gawin ay kinasawaan na.

Pinaalala ni Pablo sa mga alagad ni Jesus sa Corinto na ang pinagmulan ng pag-ibig na kanyang itinuturo ay ang Panginoong Diyos. Ito ay dahil lahat tayo ay nilikha ng Diyos ayon sa kanyang larawan. Marami tayong nalalamam tungkol sa pag-ibig dahil “[Siya, ang Diyos] ang unang umibig sa atin... Ang Diyos ay pag-ibig. Nalalaman nating tayo’y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito” (1 John 4:19, 16).

Kaya huwag hayaan ang makamundong pag-big na ating alam ay patuloy na umiral sa buhay ng isang alagad ng Diyos dahil ang wagas na pag-ibig ng Diyos ay ipinamalas na Niya sa atin sa Kanyang Bugtong na Anak.

Pag-isipan: Ano ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa iyo? Kung ihahambing ito sa pag-ibig ng Diyos, ito ba ay makamundo o hindi? Bakit?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pag-ibig na Puno ng Pag-asa

Tama ba sa isang alagad ng Diyos ang maging terrible hoper, gayong alam naman nating ang kayamanang walang-kupas at di masisira ay ipinangako na sa atin ng Panginoon?

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com