Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

7 Bagay na Itinuturo ng Biblia Tungkol sa Pag-aasawaHalimbawa

7 Things The Bible Says About Marriage

ARAW 3 NG 7

Ang bersikulong ito ay nagmula sa gitna ng maraming nakatutulong na payo sa pamumuhay, galing mismo kay Jesus. Kung ilalagay ko ang bersikulong ito sa konteksto ng pag-aasawa, agad kong naiisip ang “pagbibilang ng puntos.”

Pag-isipan mo ito: ang layunin ng pag-aasawa ay manatiling magkatuwang habambuhay. Kapag kasama mo ang isang tao halos araw-araw, sa bawat taong lumilipas, hindi maiiwasan na maipon ang mga maliliit na bagay. Napakaraming “puntos” niyan para mabilang!

Habang alam ng lahat na mahalaga ang pagpapatawad sa pag-aasawa, madalas ay nalilimutan pa rin natin ang matinding payong ibinigay ni Jesus: ang mamuhay na mayroong pang-araw-araw ng gawi ng pagpapatawad. Ibig sabihin, dapat ay wala nang bilangan ng puntos!

Ang huling bahagi ng Lucas  6:37“Patawarin ninyo ang inyong kapwa at kayo'y patatawarin din,” ay nagpapaalala sa akin ng Santiago 5:16, na nagsasabing “..ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling.” Sa isang malusog na pag-aasawa, ang pag-amin ng mga kamalian sa isa't isa ay nagbubukas ng pinto sa pagtanggap ng kapatawaran. Kung gaano kadali tayo dapat magpatawad ng iba— at lalo na ng ating mga asawa—ay dapat din tayong tumanggap ng pagpapatawad mula sa iba.

Tunay na napakahalaga ang mamuhay nang may pagpapatawad sa isa't isa. Hindi lamang pagpapatawad sa mga malalaking bagay, kundi magkaroon ng palagiang pinagbabahaginang koneksyon kung saan ang mag-asawa ay may pagtitiwala sa kabiyak tungkol sa kanilang mga kamalian—at marahil ay humanap ng mga paraan upang ipagdiwang ang kanilang mga pagkakaiba.

Kung iaalay natin sa isa't isa ang ating mga sarili sa pag-aasawa (tingnan ang Juan 15:13 at Mga Taga-Efeso 5:25), ang pinakapundasyon ng pag-aasawa ay ang unahin ang ating mga asawa kaysa ang ating mga sarili. Ang ibig sabihin nito ay ang pagsasantabi ng mga panghuhusga, pagkalimot sa paghatol, at pagbibigay ng kapatawaran. Nangangahulugan din ito ng pagtanggap sa kapatawaran, habang patuloy na lumalago ang tiwala at pagmamahal sa magkabilang panig ng inyong relasyon.

Maglaan ng oras sa linggong ito kasama ang iyong asawa upang magpatawad sa isa't isa. Maging tapat sa mga bagay kung saan alam mong may pagkukulang ka, at tuklasin kung mayroon bang mga natitirang“puntos” kung saan kailangan ng pagpapatawad.

Tommy George
YouVersion Engineer

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Marriage

Sinasabi ng Biblia na kapag nakatagpo ka ng asawa, nakahanap ka ng isang kayamanan. Paano mo mapananatili ang ganoong pakiramdam? At kaya niyo bang patuloy na maging mas malapit sa isa't-isa? Ano ang kinakailangan ng isa...

More

Ang Gabay na ito ay isinulat at ibinahagi ng pangkat sa YouVersion. Bisitahin ang youversion.com para sa karagdagang impormasyon.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya