Tungkol sa Gabay
7 Bagay na Itinuturo ng Biblia Tungkol sa Pag-aasawaHalimbawa
![7 Things The Bible Says About Marriage](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4539%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Isang kapanapanabik at napakagandang regalo mula sa Diyos ang pag-aasawa. Gayunman, katulad ng iba pang bahagi ng buhay, mahaharap ka sa mga sitwasyon sa pag-aasawa na maaaring makapagdulot ng takot sa iyo. Sabagay, nangako tayo sa ating mga panata noong ating kasal na magmahalan sa hirap at ginhawa, sa karamdaman at sa kalusugan. Maging ito man ay trahedya, sakit o mga inaasahang hindi natupad, hindi magtatagal ay unti-unting darating ang mga pagkatakot sa iyong buhay may-asawa.
Sa sulat ni Pablo sa mga Taga-Roma, “Tayo'y siguradong magtatagumpay sa pamamagitan Niya na nagmamahal sa atin.” Kung nagtitiwala ka sa Salita ng Diyos, makakaasa kang tutulungan ka ng kapangyarihan ng Kanyang pag-ibig na mapagtagumpayan ang iyong mga takot,—maging iyong mga may kinalaman sa iyong pag-aasawa.
Kapag dumarating ang mga pagkabagabag, alam mong ligtas ka sa walang maliw na pag-ibig at katapatan ni Cristo. Nahaharap ka ba sa pasakit o pagkabalisa sa iyong pag-aasawa? Hanapin ang kaginhawahan sa mga pangako ng Panginoon na hindi tayo iiwan ni pababayaan kailanman. Hindi ka ba mapalagay sa gitna ng mga pagsusulit at pagsubok sa buhay? Alamin na sa lahatng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya. (Mga Taga-Roma 8:28)
Hindi ba kamangha-manghang malaman na ang Kanyang katapatan at awa ay hindi resulta ng pagmamahal natin sa Kanya, kundi ng pagmamahal Niya sa atin? (Mga Taga-Roma 8:37) Walang anuman mula sa mga nilikha ang makapaghihiwalay sa iyo sa pag-ibig ng Diyos. (Mga Taga-Roma 8:35)
Huwag hayaang mabalisa ang iyong puso. (Juan 14:1) Kapag dumating ang mga pagkabagabag at takot sa iyong buhay may-asawa, mahalin mo ang iyong asawa katulad ng pagmamahal sa iyo ni Jesus. Buong pusong maging tapat sa Diyos, nang magkasama, at alamin na kapag naging sakdal sa iyo ang pag-ibig ng Diyos, lahat ng iyong takot ay mawawala, anumang pagsubok ang iyong kinakaharap.
Alex Ronquillo
YouVersion Engineer
Tungkol sa Gabay na ito
![7 Things The Bible Says About Marriage](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4539%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sinasabi ng Biblia na kapag nakatagpo ka ng asawa, nakahanap ka ng isang kayamanan. Paano mo mapananatili ang ganoong pakiramdam? At kaya niyo bang patuloy na maging mas malapit sa isa't-isa? Ano ang kinakailangan ng isa...
More
Mga Kaugnay na Gabay
![7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa Pagmamagulang](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F8832%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa Pagmamagulang
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13048%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan
![Mga Mapanganib na Panalangin](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18063%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Mapanganib na Panalangin
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Habits o Mga Gawi](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13743%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Habits o Mga Gawi
![Pagtitiis, Isang Bunga Ng Espiritu](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F47758%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiis, Isang Bunga Ng Espiritu
![Set Apart | Isang Biblikal na Pananaw sa Kabanalan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F47305%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Set Apart | Isang Biblikal na Pananaw sa Kabanalan
![Ang Kalayaang hatid ng Pagsuko](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F47306%2F320x180.jpg&w=640&q=75)