Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)Halimbawa

Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)

ARAW 4 NG 6

Day 4: God's Love For Our Enemies

Basahin:

27 “Subalit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo. 28 Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo. 29 Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang iyong damit. 30 Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong ari-arian, huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. 31 Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. 32 “Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Ang mga makasalanan man ay nagmamahal din sa mga nagmamahal sa kanila. 33 Kung ang mga gumagawa lamang ng mabuti sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan! 34 At kung ang makakabayad lamang ang inyong pauutangin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay nagpapautang din sa kapwa nila masama, sa pag-asang sila'y mababayaran. 35 Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong magpasalamat. 36 Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.”

Isipin:

1. Ayon kay Jesus, paano natin haharapin ang ating mga kaaway? Ilista ang bawat hakbang na makikita sa talata, at isulat kung paano mo isasagawa ang bawat isa sa iyong sariling sitwasyon.

2. Ang “Golden Rule” ay matatagpuan sa Lucas 6:31. Ano ang magiging resulta kapag isinagawa mo ang prinsipyong ito sa pangaraw-araw na buhay? Paano mo sisimulan ang pagtrato sa iyong kapwa sa ibang paraan?

3. Paano ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa Kanyang sariling mga kaaway—kahit sa mga taong walang utang na loob o masama?

Isabuhay:

Bago natin ibinigay ang ating buhay kay Jesus, lahat tayo ay kaaway ng Diyos (tingnan ang Roma 5:10). Bilang mga makasalanan, tayo ay bumagsak sa banal na pamantayan ng Diyos at samakatuwid tayo ay karapat-dapat sa Kanyang poot. Gayunpaman, ibinigay pa rin ng Diyos ang kailangan natin kahit na hindi tayo karapat-dapat! Ang hiwaga ng Mabuting Balita ay mahal na mahal tayo ng Diyos kaya ipinadala Niya si Jesus upang mamatay para sa Kanyang mga kaaway. Kung ito ay totoo sa ating sariling buhay, tayo ay lalapit sa ibang paraan sa mga nagmamaltrato sa atin. Dapat nating tratuhin sila ng may maka-Diyos na pag-ibig.

1. Sa anong sitwasyon ako minamaltrato, tinutulan, inuusig, o sinasamantala? (Aminin ano ang nangyari sa harap ng Panginoon at manalangin para sa isang maawaing puso upang mawala ang sakit, mapatawad ang kasalanan, at mabitawan ang anumang kapaitan.)

2. Sino ang taong itinituro ng Panginoon na aking patatawarin o hihingan ko ng kapatawaran? (Pangalanan ang bawat tao at humingi ng pagkakataong gumawa ng mga pagbabago.)

3. Sino ang taong nais ng Panginoon na tratuhin ko nang may kabutihan sa linggong ito? Anong kabutihan ang magagawa ko para sa kanya?

Set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, and Time-bound (SMART) commitments

Halimbawa: “Ipagdarasal ko araw-araw si ___________ na nakasakit sa akin at maibahagi ko sa kanya ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng isang taos-pusong note o message sa kanya sa linggong ito.”

Ipanalangin:

  • Ipanalangin natin ang ating mga relasyon, na mahalin natin ang hindi kaibig-ibig at maging katulad ni Cristo sa pagtrato sa mga umaapi sa atin o nag-iisip ng masama sa atin.
  • Hingin sa Diyos ang isang mapagpakumbabang puso upang kilalanin ang mga sandaling naging kaaway ka ng isang tao at hingin ang pagkakataong gumawa ng mga pagbabago upang manumbalik ang inyong magandang relasyon.
  • Magdasal tayo nang may pananampalataya para bigyan tayo Diyos ng tagumpay sa mga sitwasyong tulad ng:
    • Salungatan sa ating mga relasyon sa pamilya, sa trabaho/paaralan, sa mga kaibigan, o mga kasama sa simbahan
    • Hindi pagpapatawad
    • Kapaitan sa mga nakaraang karanasan
    • Hangaring paghihiganti
    • Kayabangan, makasariling pagdidepensa, pinangangatwiranan ang kasalanan
    • Pagiging mapang-abuso o nakakasakit sa iba
    • Mga pag-atake ng kaaway, impluwensya ng demonyo
  • Hingin sa Panginoon ang matagumpay na pakikipagrelasyon, humingi sa Diyos ng kapatawaran, pagkakasundo, at panunumbalik ng relasyon sa mga nakasakitan; hayaan ang Banal na Espiritu na magbigay ng spriritual revival sa iyo, panibagong lakas at kasigasigan na sumunod sa Kanya nang tapat.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)

Sinabi sa atin ni Jesus na iisa lang ang malinaw at tamang paraan para makita ng mundo na tayo ay Kanya: PAGMAMAHAL. Lalo na ang pagmamahal sa ating kapwa. Pero gaano nga ba natin kamahal ang isa't isa?

Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ccf.org.ph/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya