Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)Halimbawa

Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)

ARAW 2 NG 6

Day 2: God's Love For The Church

Basahin: Juan 13:1-4, 12-20, 34-35

1 Bisperas na noon ng Paskwa. Alam ni Jesus na dumating na ang takdang oras ng kanyang pag-alis sa daigdig na ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa daigdig, at sila'y minahal niya hanggang sa wakas. 2 Pagsapit ng hapunan, inilagay na ng diyablo sa isip ni Judas, na anak ni Simon Iscariote, na ipagkanulo niya si Jesus. 3 Alam ni Jesus na ibinigay na ng Ama sa kanya ang buong kapangyarihan; at alam niyang siya'y mula sa Diyos at babalik sa Diyos. 4 Kaya't siya'y tumayo mula sa hapag, nag-alis ng panlabas na balabal at nagbigkis ng tuwalya sa baywang. 12 Nang mahugasan na ni Jesus ang kanilang mga paa, muli niyang isinuot ang kanyang balabal at nagbalik sa kinaupuan niya. Sinabi niya sa kanila, “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? 13 Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ganoon nga ako. 14 Kung ako ngang Panginoon at Guro ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din ninyong hugasan ang mga paa ng isa't isa. 15 Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong tularan… 17 Ngayong alam na ninyo ito, pinagpala kayo kung ito'y gagawin ninyo. 18 “Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko; kilala ko ang aking mga pinili. Ngunit dapat matupad ang sinasabi sa kasulatan, ‘Ako'y pinagtaksilan ng taong pinapakain ko ng tinapay.’ 19 Sinasabi ko ito sa inyo bago pa mangyari upang kapag ito'y nangyari na, sasampalataya kayo na ‘Ako'y Ako Nga’. 20 Pakatandaan ninyo, ang tumatanggap sa sinugo ko ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap naman sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.” 34 “Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon: magmahalan kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman, magmahalan kayo. 35 Kung kayo'y may pagmamahal sa isa't isa, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.”

Isipin:

1. Ano ang ginawa ni Jesus ilang oras mula sa Kanyang pagkakanulo at pagpapako sa krus? Ano ang napakahalaga sa gawaing ito? Paano ang naging reaksyon ng mga alagad? (vv1-11)

2. Ano ang mga tagubilin ni Jesus sa mga alagad? Ano ang magiging hitsura para sa atin na sundin ang halimbawa ni Jesus sa panahon natin ngayon? (vv12-35)

3. Ayon sa talatang ito, bakit dapat gawin ng mga tagasunod ni Cristo ang pagpapakita ng pag-ibig sa isa't isa?

Isabuhay:

Si Jesus ang ating tunay na halimbawa ng pag-ibig. Ilang sandali bago Siya napako sa Krus, Siya ay nakikibahagi sa pagkain sa Kanyang mga alagad sa huling hapunan, Siya ay naghuhugas ng kanilang mga paa, Siya ay nagtuturo sa kanila sa paraan ng pag-ibig, at binabalaan Niya sila kung ano ang darating. Kinalaunan, ang isa sa kanyang mga alagad ay nagtaksil sa Kanya, ang isa pa ay itinanggi Siya ng tatlong beses, at ang iba ay lumayo, iniwan si Jesus na mag-isa sa Kanyang mga huling oras. Sa kabila ng lahat ng kanilang mga pagkukulang, minahal sila ni Jesus hanggang sa wakas. Bilang Kanyang Iglesya, dapat nating malaman ang anumang bagay na humahadlang sa atin para magmahal tulad ni Jesus.

1. Paano ko naranasan ang walang katapusan at walang hanggang pag-ibig ni Cristo sa aking sariling buhay? (Kung hindi mo pa ito nagawa, sumulat ka ng maikling patotoo kung ano ang ginawa ng Panginoong Jesus para sa iyo at kung paano ka Niya iniligtas sa iyong mga kasalanan.) Bago dumating si Cristo sa buhay ko, ako ay… Nakilala ko si Jesus sa pamamagitan ng… Mula noon, ang buhay ako ay nagbago…

2. Kaninong “paa” ang maaari kong “hugasan” ngayong linggo? Paano ko matutularan ang kaugaling ito ng pagiging mababa at huli sa lahat — na gumagawa ng isang bagay para sa iba na nangangailangan ng pagtanggi sa sarili at sakripisyo nang hindi umaasa ng anumang kapalit?

Set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, and Time-bound (SMART) commitments Halimbawa: “Maghahanda ako ng pagkain at ihahain ko ito sa aking Dgroup/pamilya ngayong linggo.”

Ipanalangin:

  • Ipanalangin natin na tayo ay lalong maging katulad ni Jesus, pagkaitan ang sarili at maglingkod sa iba nang may pagsasakripisyo, nang hindi umaasa ng anumang kapalit.
  • Ipanalangin natin ang ating simbahan upang ipagpatuloy ang pagluluwalhati sa Panginoon sa pamamagitan ng pagpapalago ng mga tagasunod ni Jesus na magpapalago rin ng mga tagasunod Niya sa lahat ng bansa.
  • Manalangin para sa isang kulturang gumagalang sa Salita ng Diyos at mga lider sa Simbahan — na magpasakop sa Diyos higit sa lahat at sumunod sa karunungan ng ating mga nakatatanda, pastor, at mga lider na naglilingkod.
  • Ipanalangin natin ang ating mga lider na ang Panginoon ay tunay na magbigay na kalakasan sa Kanyang mga lingkod at bigyan sila ng karunungan kung paano sila mamumuno sa susunod na taon upang ang Diyos ay maluwalhati sa kanilang buhay at sa ating simbahan:
    • Ang ating Senior Pastor
    • Para sa lahat ng ating mga Elders, Pastors, servantleaders, at kanilang mga pamilya
    • Ministry Heads, Staff, Workers, Volunteers, Partner Missionaries
    • Bawat Discipler at kanilang mga disciples ay lumago
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)

Sinabi sa atin ni Jesus na iisa lang ang malinaw at tamang paraan para makita ng mundo na tayo ay Kanya: PAGMAMAHAL. Lalo na ang pagmamahal sa ating kapwa. Pero gaano nga ba natin kamahal ang isa't isa?

Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ccf.org.ph/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya