Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagsamba sa DiyosHalimbawa

Worshipping God

ARAW 3 NG 6

Ang Kagalakan sa Walang Paggawa

Mayroong mas malalim na antas ng pagsamba, kung saan hindi natin maipahayag ang ating mga sarili sa salita man o sa kung anupaman—kung saan ganap tayong walang magawa. Ang pinakamataas at pinakamatinding pagsamba ay nangyayari kapag wala tayong ginagawa kundi ang mamangha, kapag tayo ay lubos na walang magawa at hindi makapagsalita sa pagkamangha at pasasalamat, kapag tayo ay napapaupo na lamang at pinagmamasdang kumilos ang Diyos.


Nalagay ka na ba sa isang sitwasyon kung saan wala kang nasabi o nagawa? Kung saan mayroong isang taong may napakabuting nagawa para sa iyo, at wala kang nagawa kung hindi ang makaramdam ng lubos na pasasalamat? Marahil ay umalis na ang taong iyon, at hinangad mong mahanap siya ulit upang masabi sa kanya kung gaano mo pinahahalagahan ang kanyang nagawa. At siguro ay nakaramdam ka ng pagkabigo, at nabawasan ang iyong kaligayahan dahil imposibleng maipahayag mo ang iyong pasasalamat. Sa natural na tagpo, palagi nating nararamdaman na dapat ay may magawa tayo.


Hindi ko sinasabing manhid tayo, ngunit wala tayong nagagawa. Ito, ayon kay Isaias, ang pinakamabuting pamamaraan upang mamuhay—ang pamamaraang nais ng Diyos para tayo ay mamuhay. Ito ang bumubuo sa pinakadakilang kagalakang naroroon. At kahit pa tayo walang magawa—na para bang nakanganga lang tayong naghihintay—nakikita ng Diyos ang ating mga saloobin at alam Niyang tayo ay punong-puno ng pasasalamat.


Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Worshipping God

Ang bawat pang-araw-araw na babasahin ay nagbibigay kaalaman kung paano sambahin ang Diyos sa bawat aspeto ng buhay at magbibigay inspirasyon sa mga mambabasa upang lubos na ituon ang kanilang mga puso sa kanilang relasy...

More

Nais naming pasalamatan sina R. T. Kendall at Charisma House sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://bit.ly/kendallkindle

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya