Walang Hanggan Adbiyentong Pangpamilya, Linggo 2Halimbawa

Ang Pagkabukas palad ay tulad sa Paanyaya at Pagdating
Isara ang iyong mga mata sa loob ng ilang sandali at paganahin ang iyong imahinasyon …
Isipin ang isang taong mahal mo na nais mong yakapin—ang uri ng yakap na mainit at ligtas at parang 'iyong tahanan’ (hindi ito kailangang maging isang miyembro ng pamilya ang iyong nasa isip).
Ngayon isipin ang pagbukas ng iyong mga braso nang sapat upang isama ang taong iyon AT ang kanilang mga kasamahan. Maglaan ng oras upang isipin ang mga mukha ng mga taong iyon—nakangiti ba sila? Gusto ba nila na sila'y inanyayahan sa isang yakap na kasama ang buong pangkat? Kung ang isang taong iniisip mo ay maaaring mahiyain sa isang yakap, gamitin ang iyong imahinasyon upang ilarawan sila sa ideyang ito at humihinto.
Hayaan ang iyong imahinasyon na lumawak sa larawan ng mga taong ito na inaanyayahan ang iyong buong kapitbahayan sa yakap na ito. Kahit na mga estranghero! Kahit na ang MGA MAINISIN na estranghero! Gamitin ang mata sa iyong isip upang lumalakad sa karamihan habang nagtitipon sila. Ilarawan sila na nagulat sa isang paanyaya sa isang pagyakap. Ilarawan ang mga matatanda at ang maliliit na bata. Ilarawan ang ilang tao na talagang nasasabik at ang ibang tao na medyo nag-aalinlangan. Tingnan kung paano tumutugon ang iba't ibang mga tao habang tumatanggap sila ng paanyaya sa mapagmahal na ito. At pagkatapos ay ilarawan ang iyong mga braso na maging sapat upang balutin sa yakap LAHAT NG MGA ITO.
Napakagaling. Iyon ay isang kamangha-manghangpaggamit ng iyong imahinasyon!
Dumating si Jesus upang mahalin ang mundo. Ang buong mundo. Ang lahat ng mga tao sa lahat ng mga libro ng kasaysayan sa lahat ng mga bansa sa mundo-Niyakap niya silang lahat. Ang sanggol na iyon sa isang sabsaban (Jesus) mayroon nang malaking puso upang hawakan ang buong mundo.
Kahanga-hanga, diba?!?
Ang Diyos ang ating Tatay…ang ganoong uri ng puso ay nasa ating disenyo! Ang iyong puso!
Kaya…anong mga simpleng gawa ang maaari mong gawin upang maipakita ang isang pagkabukas-palad sa mundo na katulad ng sa “pagdating” ni Jesus? O baka mayroon kang isang uri ng paanyaya ng tulad kay Jesus na maibibigay sa isang tao?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Puno tayo ng pag-asa habang parating ang panahon ng pagdiriwang na ito na may layuning tumutok sa puso ng Diyos. Samahan kami sa loob ng apat na linggo habang kami ay: Pagmasdan ang Kagandahan; Basagin ang mga Hadlang; Lumikha ng Silid; at Nasurpresa ng Diyos. Tulad ng lahat ng pinakamahusay na bagay sa buhay, ang paglalakbay na ito ay pinakamahusay na gawin kasama ng iba—kaya magdala ng isang kaibigan o dalawa at ang iyong pakiramdam ng pagtataka ay gugulong sa Panahon ng Adbiyento.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Mag One-on-One with God

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

Buhay Si Jesus!

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

Dayuhan Tayo Sa Mundo

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nagsasalita Siya Sa Atin
