Walang Hanggan Adbiyentong Pangpamilya, Linggo 2Halimbawa

Mga Kasabihan sa Pagkabukas-palad:
Gawin mo ang lahat ng mabuti na Iyong makakaya.
Sa lahat ng paraan na kaya Mo.
Sa lahat ng daan na kaya Mo.
Sa lahat ng lugar na kaya Mo.
Sa lahat ng oras kaya Mo.
Sa lahat ng taong kaya Mo.
Hangga't kaya Mo.
—John Wesley
Alam mo ba na ang pagkabukas-palad ay nakakapagpabagsak ng mga hadlang? Oo naman, maaaring kailangan mo ng martilyo para pabagsakin ang mga tunay na hadlang/pader (at hindi ba iyon napakasaya?!), ngunit ang pagkabukas-palad ay maaaring magwasak sa hindi nakikitang mga pader na umiiral sa buhay.
Halimbawa, isipin ang isang bagong bata na darating sa iyong paaralan. Walang pisikal na pader ang pumipigil sa kanila, ngunit may mga hadlang sa kanila upang sila ay makaramdam ng pagiging komportable sa iyong paaralan! Ang pagiging bukas-palad na imbitahin ang batang iyon na sabayan ka sa paglakad sa pasilyo ay sisira sa mga hadlang na iyon!
Anong iba pang mga uri ng mga hadlang ang maiisip mo? Paano naman ang balakid sa batang hindi magaling sa sports kapag PE? May mga hadlang para sa batang iyon, hindi ba? Paano kaya ang isang mapagbigay na pagkilos mula sa isang kaklase ay makasira ng isang hadlang na ganoon?
Ang mga tao ay may isang malaking balakid na kailangang madaig ... isang hindi nakikitang Diyos ang gumawa sa atin!! Oo. Pag-usapan ang isang hadlang - paano natin malalaman na Siya ay totoo? Paano natin Siya makikilala at magtitiwala sa Kanya? Ngunit isang kilos ng pagkabukas-palad ang bumasag sa hadlang na iyon para sa atin. Alam mo ba kung anong kilos iyon?
Bibigyan kita ng palatandaan: Pasko :)
Inilagay ng Diyos ang Kanyang sarili sa katawan ng isang sanggol at pagpili na lumaki at manirahan sa mundo ng mga tao ang pagsira sa hadlang ng hindi nakikita para sa atin. Ang mapagbigay na gawang iyon ay nagbigay-daan sa atin na makilala Siya, makita kung gaano Siya mapagkakatiwalaan, at mahalin Siya.
Mayroon bang mga tao sa iyong mundo na nahaharap sa isang hindi nakikitang hadlang ngayong Pasko? Marahil ang isang tao ay walang mga mahal sa buhay na kasama upang ipagdiwang ang Pasko (Ang kalungkutan ay isang malaking hindi nakikitang hadlang na maaaring masira ng pagkabukas-palad!). Marahil ang isang tao ay walang pera upang magbigay ng mga regalo ngayong Pasko o maaaring umasa ng mga regalo mula sa kanilang pamilya…? Ang pagpansin na may mga tao sa ating buhay na nahaharap sa hindi nakikitang mga hadlang ay ang unang hakbang sa isang pagkakataon upang isaalang-alang kung paano maaaring sirain ng iyong pagkabukas-palad ang mga hadlang na iyon para sa kanila!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Puno tayo ng pag-asa habang parating ang panahon ng pagdiriwang na ito na may layuning tumutok sa puso ng Diyos. Samahan kami sa loob ng apat na linggo habang kami ay: Pagmasdan ang Kagandahan; Basagin ang mga Hadlang; Lumikha ng Silid; at Nasurpresa ng Diyos. Tulad ng lahat ng pinakamahusay na bagay sa buhay, ang paglalakbay na ito ay pinakamahusay na gawin kasama ng iba—kaya magdala ng isang kaibigan o dalawa at ang iyong pakiramdam ng pagtataka ay gugulong sa Panahon ng Adbiyento.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

Mag One-on-One with God

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

God Is With You

Nagsasalita Siya Sa Atin

Dayuhan Tayo Sa Mundo

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Buhay Si Jesus!
